Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/90 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
km 1/90 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Matatandang mga publikasyon ang iaalok alinsunod sa mga wika, gaya ng sumusunod: Bicol: Aklat na Katotohanan sa ₱7.00; Cebuano: Aklat na Tunay na Kapayapaan o Kaligayahan sa ₱14.00; Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte: Good News to Make You Happy sa ₱2.50; Iloko at Tagalog: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱14.00. Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱42.00. Abril at Mayo: Suskripsiyon sa Bantayan sa ₱60.00.

● Sa Enero at Pebrero, ang aklat na Good News to Make You Happy ay iaalok sa ₱2.50 sa Hiligaynon, Pangasinan at Samar-Leyte. Ang ganitong halaga ay kapit din sa alinmang aklat na pambulsang newsprint na maaaring nasa inyong stock. Ang halaga ng mga ito para sa mga payunir ay 70¢. Gayundin, ang aklat na Katotohanan sa Bicol ay iaalok sa ₱7.00 at ang halaga nito sa payunir ay ₱3.50. Kapag ginagamit ang mga aklat na ito sa pantanging halaga, pakisuyong tiyakin na humiling ng credit para sa nakuha ng mga payunir at mamamahayag, na ipinakikita ang mga ito sa magkahiwalay na linya sa Remittance and Credit Request form (S-20).

● Ang pagdiriwang ng Memoryal ay idaraos sa Martes, Abril 10, 1990, paglubog ng araw. Bagaman maaaring magpasimula ang pahayag nang mas maaga, pakisuyong tandaan na ang pagpapasa ng tinapay at alak ng Memoryal ay hindi dapat magpasimula kundi paglubog ng araw. Walang ibang pulong na gaganapin sa petsang iyon. Kung ang inyong kongregasyon ay karaniwan nang may pag-aaral ng aklat sa Martes, dapat ninyong ganapin ito sa ibang araw sa linggo ng Memoryal. Ang mga paanyaya sa Memoryal ay ipadadala sa bawa’t kongregasyon sa takdang panahon, kaya hindi na kailangang pididuhin pa ang mga ito.

● Pakisuyong pididuhin ang anumang ekstrang magasin para sa pantanging kampanya sa Abril at Mayo sa katapusan ng Enero upang matiyak na matanggap ang mga ito sa panahon. Pahahalagahan namin ang inyong karakarakang atensiyon sa bagay na ito, na isinasaalang-alang ang malaking bilang ng mga auxiliary payunir na maglilingkod sa mga buwang ito.

● May ilang pagbabagong gagawin sa pag-iimprenta sa hinaharap ng aklat na Mabuhay Magpakailanman. Ang tanging malaking pagbabago ay tungkol sa mga Sodomita, sa pahina 178 at 179. Ang pagbabagong ito ay lumitaw sa aklat na Apocalipsis, pahina 273, at sa Ang Bantayan ng Hunyo 1, 1988, pahina 30 at 31. Nanaisin ninyong bigyang pansin ito sa mga naunang paglilimbag na taglay ninyo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share