Tanong
● Anong eskedyul ang dapat sundin sa pantanging pulong na kasama ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito?
Sa dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, gumagawa ng kaayusan upang ang buong kongregasyon ay magtipon sa Kingdom Hall para sa isang pantanging pulong kasama ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, pagsasaalang-alang ng maka-Kasulatan at pang-organisasyonal na impormasyon na pinamagatang “Magpatuloy sa mga Bagay na Inyong Natutuhan,” at isang pahayag ukol sa paglilingkod ng tagapangasiwa ng sirkito. Ang pulong na ito ay karaniwan ng idinadaos sa Huwebes o Biyernes ng gabi.
Ang pulong ay nagpapasimula sa pamamagitan ng awit at panalangin, at pagkatapos isang matanda ay mangangasiwa ng 45-minutong Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Dapat gumawa ng pagsisikap para masaklaw ang lahat ng materyal na nakaatas sa linggong iyon, na ipinababasa ang lahat ng mga parapo, kagaya ng karaniwang ginagawa sa regular na pag-aaral bawa’t linggo. Ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat ay sinusundan ng pag-awit ng isa pang awit pang-Kaharian. Pagkatapos ang tagapangasiwa ng sirkito ay gagamit ng 30 minuto sa pangangasiwa sa bahaging “Magpatuloy sa mga Bagay na Inyong Natutuhan.” Pagkatapos nito, magbibigay siya ng 30-minutong pahayag ukol sa paglilingkod na iniaangkop lalo na sa pangangailangan ng kongregasyong pinaglilingkuran. Sa pahayag ukol sa paglilingkod, siya’y magbibigay ng angkop na komendasyon at payo na dinisenyo upang patibayin ang kongregasyon at pasiglahin ang mga kapatid na manatiling matatag sa paglilingkod sa Kaharian.
Ang pulong ay sasarhan sa pamamagitan ng awit at panalangin. Ang lahat ng mga awit na gagamitin ay dapat na piliin ng tagapangasiwa ng sirkito. Ang buong programa, lakip na ang mga awit at panalangin ay hindi dapat na lumampas sa dalawang oras.
Ang kaayusang ito na pinasimulan noong 1977 ay nakatulong nang malaki sa pagiging pantangi ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito ukol sa ikasisiya at kapakinabangan ng buong kongregasyon at para sa mga indibiduwal na mamamahayag na dumadalo at nakikibahagi sa mainam na paglalaang ito ng organisasyon ni Jehova.