Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Pebrero: Matatandang publikasyon ayon sa wika, gaya ng sumusunod: Ingles: Aklat na Worldwide Security sa ₱16.00. Bicol: Aklat na Katotohanan sa ₱8.00. Cebuano: Aklat na Kaligayahan sa ₱16.00. Hiligaynon: Good News to Make You Happy sa ₱2.50. Iloko: Aklat na Kaligayahan sa ₱16.00. Samar-Leyte: Good News to Make You Happy sa ₱2.50. Tagalog: Aklat na Kaligayahan o Tunay na Kapayapaan sa ₱16.00. Marso: Aklat na Apocalipsis sa ₱48.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon sa Ang Bantayan sa ₱70.00.
● Pinasisigla ang lahat ng mga kongregasyon na magpadala kaagad ng kanilang pidido para sa aklat na Apocalipsis upang sila’y magkaroon ng suplay na magagamit sa kampanya sa Marso.
● Ang mga kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Marso 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
● Sa Linggo, Pebrero 17, magkakaroon ng pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Marso, Abril, at Mayo. Pinasisigla ang lahat na dumalo. Ito’y idaraos bago o pagkatapos ng lingguhang pag-aaral ng Bantayan. Pangangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang pulong at dapat tiyaking may sapat na aplikasyon para sa auxiliary payunir.
● Kung hindi pa kayo nakapipidido ng mga ekstrang magasin para sa Abril at Mayo, pakisuyong gawin ito karakaraka. Tiyaking maisaalang-alang ang malaking bilang ng mga auxiliary payunir na mangangailangan ng magasin sa mga buwang iyon.
● Pag-aalay ng Bethel: Pinaplano ng Samahan na ialay ang bagong Bethel sa Quezon City sa Abril 13, 1991. Yamang ang espasyo sa Bethel ay limitado lamang, ang mga dadalo ay yaon lamang may taglay na inimprentang paanyaya. Dapat na dalhin ng mga dadalo ang kanilang paanyaya upang papasukin sila.
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos (kongregasyon at publiko: ₱24.00; payunir: ₱12.00)—Cebuano, Ingles, Iloko, Tagalog
Papaano Maililigtas ng Dugo ang Inyong Buhay? (kongregasyon at publiko: ₱4.80; payunir: ₱2.40)—Cebuano,Ingles, Iloko, Tagalog
“All Scripture Is Inspired of God and Beneficial” 1990 Edisyon (kongregasyon at publiko: ₱48.00; payunir: ₱32.00—Ingles