Tanong
● Bakit inirerekomenda na ang mga mamamahayag ay doon maglingkod sa kongregasyong nakasasakop sa kanilang tinitirahan?
Mahalaga na gawin ang mga bagay na maayos at nasa teokratikong paraan. Sumulat si Pablo: “Hayaang ang lahat ng bagay ay maganap nang desente at may kaayusan.”—1 Cor. 14:40.
Bagaman may ilang eksepsiyon dahilan sa hirap ng transportasyon, eskedyul ng sekular na trabaho, o pangangailangan para sa nangangasiwa, karaniwan nang pinakamainam na dumalo sa kongregasyon na nakasasakop sa inyong tinitirahan. Pinapangyayari nitong maging madali lamang ang paglilingkod sa larangan yamang hindi na kayo kailangan pang maglakbay ng malayo upang gumawa kasama ng grupo. Nagiging madali para sa atin na gumawang kasama ng iba sa ating kongregasyon at akayin ang mga interesado sa mga pulong na malapit sa kanila. At lagi nating nakakasalamuha ang ibang mga kapatid na malapit lamang sa atin na makatutulong sa panahon ng pangangailangan.
Dapat nating iwasan ang espiritu ng pagsasarili at ingatang una ang mga kapakanan ng Kaharian. (Luc. 16:10) Kapag nagkaroon ng isang bagong kongregasyon o nagkaroon ng bagong kaayusan ang mga grupo ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, maaaring mas gusto nating manatiling kasama ng ating mga kaibigan. Nguni’t kung ating tatanggapin ang bagong kaayusan, maaari tayong magkaroon ng mga bagong kaibigan. Gayundin magiging madali para sa mga matatanda na alagaan ang kawan kapag ang mga mamamahayag ay nakatira sa teritoryong nasasakupan ng kanilang kongregasyon.