Maaari Ba Kayong Maging Regular Payunir Pasimula sa Setyembre?
1 Taglay ba ninyo ang espiritu ng pagpapayunir? Ito’y maaaring ipaliwanag bilang pagtataglay ng positibong saloobin sa utos na mangaral at gumawa ng mga alagad, pagsasakripisyo sa sarili, pagpapakita ng pag-ibig at pagkabahala sa mga tao.
2 Sa kabuuan ang bayan ni Jehova ay tunay na nagpapakita ng espiritung ito sa ngayon. Gayumpaman, ang kabalisahan at panggigipit sa pang-araw-araw na pamumuhay ay maaaring mag-alis ng ating sigasig sa espirituwal na mga bagay. Bawat isa ay dapat na magtanong sa sarili, ‘Taglay ko ba ang espiritu ng pagpapayunir? Pinahihintulutan ko bang alisin ito sa akin ng sistemang ito ng mga bagay? Itinataguyod ko ba ang espiritu ng pagpapayunir sa kongregasyon? Ano ang aking magagawa upang mapagtagumpayan ang negatibong saloobin sa pagpapayunir?’
3 Bakit di magsimula ngayong isaalang-alang nang taimtim ang posibilidad na magpasimula bilang isang regular payunir sa Setyembre, na siyang pasimula ng taon ng paglilingkod ng 1992? Ang marami sa atin ay nakapaglingkod na bilang mga auxiliary payunir sa nakaraang tag-araw. Naabot ba ninyo ang inyong tunguhing 60 oras? Kung oo, at kung nakapagpasimula kayo ng maraming mga pag-aaral sa Bibliya, walang pagsalang nanaisin ninyong patuloy na magpayunir. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isang oras bawat araw, maaaring makapag-aplay kayo bilang isang regular payunir pasimula sa Setyembre. Ngayon na ang panahon upang may pananalangin ninyong isaalang-alang ang bagay na ito.
4 Habang sumusulong ang espiritu ng pagpapayunir sa inyong kongregasyon, magiging gayundin ang init at espirituwalidad ng mga kapatid. Kaya, habang lumalapit ang 1992 taon ng paglilingkod, gawin ninyong kapasiyahan na linangin ang espiritu ng pagpapayunir sa inyong kongregasyon. Maging isang regular o auxiliary payunir kung magagawa ninyo. Subalit kayo man ay isang payunir o mamamahayag, patuloy ninyong ipakita ang espiritu ng pagpapayunir sa susunod na taon ng paglilingkod.