Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Agosto: Alinman sa mga brochure sa ₱4.80. Setyembre: Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa ₱24.00. Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! sa isang taon sa ₱70.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱80.00.
● Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literaturang nasa stock at punan nang kompleto ang porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
● Dapat na punan ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report (S-10) at ipadala iyon sa Samahan karakaraka kapag nakompleto na ang ulat sa Agosto. Pansinin: Tiyaking punan ang kabilang panig ng porma na humihiling ng impormasyon hinggil sa mga regular payunir at sa kabuuang oras nila para sa taon ng paglilingkod. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
● Dapat na i-audit ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.
● Dapat na karakarakang punan ang aplikasyon ng mga nagpaplanong magpasimula ng paglilingkuran bilang regular payunir sa Setyembre 1 at ibigay iyon sa mga matatanda upang marepaso. Pagkatapos na maaprobahan at mapirmahan ang aplikasyon ng Congregation Service Committee, ito’y dapat na maipadala sa Samahan sa pasimula pa lamang ng Agosto upang ang pagsang-ayon ay matanggap sa Setyembre 1.
● Makukuhang mga Bagong Publikasyon at mga Cassette:
“Lahat ng mga Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang,” 1990 edisyon—Iloko, Tagalog
Kingdom Melodies No. 3 (isang cassette, lubusang binago)
● Makukuha na Naman:
“Lahat ng mga Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang,” 1990 edisyon—Ingles