Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/91 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 9/91 p. 3

Mga Patalastas

● Alok na literatura sa Setyembre: Aklat na Tanong ng mga Kabataan sa ₱24.00. Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! para sa isang taon sa ₱70.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱80.00. Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱48.00.

● Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na, “Maka-diyos na Karunungan sa Isang Maka-siyentipikong Sanlibutan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon pasimula sa Oktubre.

● Ang mga pidido para sa 1992 Yearbook at kalendaryo ay maaari na ngayong ipadala sa Samahan. Kami ay magpapadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hulyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ninyo ito at ibalik sa Samahan upang dumating ito sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱16.00. Ang regular at espesyal payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1991 o bago pa ng petsang ito ay tatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag sila’y nagpadala ng bayad matapos nilang tanggapin ang mga Yearbook. Maaaring magkaroon ng ekstrang kopya ang mga payunir para ipamahagi sa hindi pa naaalay na mga tao sa ₱8.00 bawat isa. Pakisuyong ipakita ang libreng mga kopya na kahiwalay ng halaga para sa payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo din ay ₱16.00 at walang ibang halaga para sa payunir, o kaya’y libreng kopya para sa mga payunir.

● Ang mga pidido ay dapat na ipadala rin para sa “Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1992.” Ito’y ilalathala sa lahat ng wika. Magpapadala kami ng pantanging order blank para dito kasama ng statement sa Hulyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo sa bawat wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon ay ₱4.80 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawat espesyal at regular payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1991. Ang ekstrang mga kopya para sa payunir ay ₱3.20. Ang credit ay dapat na hilingin kagaya ng sa Yearbook.

● Yamang ang aklat na “Lahat ng mga Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang” ay makukuha na ngayon sa Iloko at Tagalog, pasimula sa Nobyembre ay hindi na kami magpapadala ng balangkas para sa pahayag na nagtuturo sa mga kongregasyong gumagamit ng mga wikang ito, yamang ang mga kapatid na inatasan ay makakakuha ng kanilang impormasyon nang tuwiran mula sa Iloko at Tagalog na mga edisyon ng aklat na ito. Ang mga balangkas na ito ay patuloy na ipadadala sa ibang wika gaya ng dati.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share