Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Suskripsiyon ng Gumising! sa isang taon sa ₱70.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang aklat na Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱80.00. Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱48.00. Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱16.00. (Gayumpaman, ang mga kongregasyong Bicol ay mag-aalok ng Ang Katotohanang Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Cebuano ay mag-aalok ng aklat na Kaligayahan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Hiligaynon at Samar-Leyte ay mag-aalok ng Good News to Make You Happy sa ₱2.50.)
◼ Ang Nobyembre 1 ay pista opisyal, kaya’t dapat na magsaayos ang mga kongregasyon ng pantanging gawain sa magasin sa araw na iyon, maging sa bahay-bahay o sa mga sementeryo.
◼ Mapapansin ninyo sa talaan ng mga kombensiyon sa pahina 6 na ang mga petsa ng Pandistritong Kombensiyon sa Maasin, Southern Leyte ay nagbago. Sa halip na Disyembre 27-29, ang kombensiyon doon ay idaraos sa Disyembre 13-15, 1991. Gayundin, ang kombensiyon sa Masbate ay gaganapin sa Enero 3-5, 1992 sa halip na Disyembre 20-22, 1991.