Teokratikong mga Balita
Cook Islands: Inabot ang 29-porsiyentong pagsulong noong Hunyo, na may bagong peak na 134 na mamamahayag na nag-ulat.
Indiya: Ang bagong peak na 11,524 na mamamahayag noong Hunyo ay 18 porsiyentong pagsulong kung ihahambing sa bilang noong nakaraang taon.
Portugal: Ang kanilang ika-siyam na sunud-sunod na peak sa mamamahayag ang iniulat noong Hunyo, na may 38,818 na nasa paglilingkod sa larangan. Ito’y nangangahulugan na may mahusay na proporsiyon na isang mamamahayag sa bawat 258 katao sa bansa.