Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/91 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 11/91 p. 7

Tanong

◼ Ano ang magagawa upang matiyak na hindi bababa ang ating gawain sa Disyembre sa kabila ng pagdaraos ng mga pandistritong kombensiyon?

Una, inirerekumenda namin na ang lahat ay maagang maglingkod sa pasimula ng buwan. Ang Disyembre 1 ay araw ng Linggo, at may limang Linggo sa buwan na iyon, kaya kahit na dadalo tayo sa isang pandistritong kombensiyon sa dulo ng isang linggo, may natitirang apat na Linggong magagamit sa pangangaral. Maaari pa man ding mag-auxiliary payunir ang iba, na nagsisikap na makaabot sa kanilang 60-oras na tunguhin bago ang kombensiyon.

Pangalawa, kapag naglalakbay patungong kombensiyon, hanapin ang mga pagkakataong magpatotoo nang impormal. Ang pagsusuot ng lapel card habang naglalakbay ay madalas umaakay sa mga pag-uusap. Tiyaking taglay ninyo ang mga magasin, brochure, o tract upang ialok sa mga nakakausap ninyo. Sa lunsod ng kombensiyon, maaari kayong magpatotoo nang impormal sa mga tinutuluyan ninyo o sa mga nakakasalubong ninyo sa daan.

Bilang panghuli, huwag kaligtaang iulat ang inyong gawain. Kung ang kombensiyon ninyo ay sa bandang katapusan ng Disyembre o sa Enero, o kung kayo’y mawawala sa inyong kongregasyon sa Disyembre 31, kung gayon ay makabubuting ibigay na ang inyong ulat sa kongregasyon bago kayo umalis patungong kombensiyon.

Tiyakin natin sa taóng ito na makibahagi tayong lahat sa ministeryo sa Disyembre at iulat ang ating gawain sa katapusan ng buwan. Ang paggawa nito ay magbubunga ng kagalakan at ng mayamang pagpapala ni Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share