Teokratikong mga Balita
Hong Kong: Bagaman napakainit noong Hulyo, gumawa ang mga kapatid ng napakainam na pagsisikap sa paglilingkod sa larangan. Sila’y nagkaroon ng isang bagong peak na 2,305 na mga mamamahayag, at 71 ang nabautismuhan.
Hapon: Ang kanilang ulat ng 1991 pandistritong kombensiyon ay nagpakita ng peak sa bilang ng mga dumalo na 289,206, at 4,851 ang nabautismuhan. Kanila ring naabot ang isang bagong peak na 158,627 mga mamamahayag noong Hulyo, 11 porsiyentong pagsulong ang kahigitan sa aberids nang nakaraang taon.
Myanmar: Sa kabila ng mapaminsalang mga baha noong Hulyo, sila’y nakaabot sa isang bagong peak na 1,810 mga mamamahayag.