Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/92 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 1/92 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Enero at Pebrero: Worldwide Security Under the “Prince of Peace” sa ₱16.00. (Gayumpaman, ang mga kongregasyon sa Bicol ay dapat mag-alok ng aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang Hanggan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Cebuano ay dapat na mag-alok ng aklat na Kaligayahan sa ₱8.00. Ang mga kongregasyong Hiligaynon at Samar-Leyte ay mag-aalok ng aklat na Good News to Make You Happy sa ₱2.50.) Marso: Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas sa ₱24.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskripsiyon ng Ang Bantayan sa ₱70.00.

◼ Sa Enero at Pebrero, ang Good News to Make You Happy sa Hiligaynon at Samar-Leyte, at ilang mga aklat sa Intsik gaya ng ipinatalastas sa Disyembre ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ay iaalok sa ₱2.50. Ang halaga ng mga ito sa payunir ay 70¢. Gayundin, ang aklat na Katotohanan sa Bicol at ang aklat na Kaligayahan sa Cebuano ay iaalok sa ₱8.00, at ang halaga nito sa payunir ay ₱4.00. Pakisuyong tiyaking humiling ng kredit para sa alinmang aklat na kinuha ng mga payunir at mamamahayag, na ipinakikita ito sa magkaibang linya sa Remittance and Credit Request form (S-20).

◼ Ang Enero ay panahon para iwasto ang ating Medical Documents at Identity Cards para sa 1992. Isang rebisadong Medical Document ang makukuha at maaaring pididuhin mula sa Samahan. Makabubuting repasuhin ng mga matatanda ang sulat ng Samahan noong Nobyembre 1, 1991 para sa wastong paggamit ng mga card na ito at ipahayag ito sa mga kapatid.

◼ Ang sangay ng Korea ay nagsabi sa amin na ang ilang mga kapatid na Pilipino ay pumapasok sa Korea bilang mga turista upang magtrabaho doon. Gayumpaman, hindi maaaring pumasok doon bilang isang turista at pagkatapos ay kumuha ng work permit pagdating ninyo doon. Ang gayong hindi legal na manggagawa ay maaaring lumikha ng problema sa Samahan sa departamento ng imigrasyon, kaya hindi dapat mag-aplay ang sinumang pupunta sa Korea upang magtrabaho doon kung wala silang work permit bago pa lumabas ng Pilipinas.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share