Teokratikong mga Balita
Congo: Nagagalak kami na iulat na ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay legal na kinilala ng People’s Republic of the Congo noong Nobyembre 1991.
Peru: Ang kabuuang bilang na 39,104 na mga mamamahayag noong Disyembre ay 12 porsiyentong pagsulong kaysa gayunding buwan noong nakaraang taon. Katangi-tangi ang bagay na ang 8,842 na mga payunir ay 23 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga mamamahayag.