Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 8/92 p. 5
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 8/92 p. 5

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura para sa Agosto at Setyembre: Alinman sa mga brochure. (Ang kontribusyon ay ₱4.80 sa Agosto, subalit magiging ₱6.00 pasimula sa Setyembre 1.) Oktubre: Suskripsiyon sa Gumising! para sa isang taon sa ₱80.00. Nobyembre: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00.

◼ Dahilan sa tumataas na halaga ng paglilimbag ng ating mga publikasyon, ang halaga ng literatura at magasin ay tataas pasimula sa Setyembre 1, 1992. Apat na kopya ng bagong Watch Tower Publications List na nagpapakita ng bagong halaga ang ipadadala sa bawat kongregasyon sa ibang pakete. Tig-iisang kopya ang dapat ibigay sa lingkod sa literatura, lingkod sa magasin, at lingkod sa kuwenta, at isang kopya ang iingatan sa salansan ng kongregasyon. Pakisuyong sirain ang mga dating Cost List upang maiwasan ang kalituhan.

◼ Bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms (S-18) kasama ng kanilang statement sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng mga literatura sa stock at kompletuhin ang porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan. Mahalaga: Mapapansin ninyo na ang mga presyo sa Literature Inventory forms ay nasa kasalukuyang halaga, hindi ang bago. Pakisuyong gamitin ang mga halagang ito kapag kinukuwenta ang halaga ng inyong literatura sa stock at huwag papalitan ang mga ito ng bagong halaga ng literatura. Kapag natanggap ang mga pormang ito sa tanggapang pansangay, sisingilin ng Samahan ang kongregasyon sa diperensiya ng halaga ng literatura na nasa stock sa Agosto 31, 1992.

◼ Dapat na punan ng kalihim at tagapangasiwa sa paglilingkod ang Congregation Analysis Report (S-10) at ipadala iyon sa Samahan karakaraka kapag nakompleto na ang ulat sa Agosto. Pansinin: Tiyaking punan ang kabilang panig ng porma na nagtatanong ng impormasyon hinggil sa mga regular payunir at sa kanilang kabuuang oras sa taon ng paglilingkod. Ingatan ang isang duplikado sa inyong salansan.

◼ Dapat na i-audit ang kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.

◼ Yaong mga nagpaplanong mag-regular payunir pasimula sa Setyembre 1 ay dapat na punan kaagad ang aplikasyon at ibigay iyon sa mga matatanda upang marepaso. Pagkatapos na maaprobahan ang aplikasyon at mapirmahan ng Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon, ito’y dapat na ipadala sa Samahan sa pagpapasimula ng Agosto upang matanggap ang pagsang-ayon sa Setyembre 1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share