Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/92 p. 8
  • Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
km 10/92 p. 8

Mga Presentasyon na Pumupukaw ng Interes

1 Dapat tayong magpakita sa tuwi na nang mainit, personal na interes sa mga tao na ating nasusumpungan sa ministeryo sa larangan. Ang pagkuha sa kanilang opinyon sa mga bagay-bagay ay nagpapakita ng ating paggalang sa kanilang pangmalas.

2 Sa Oktubre, aakayin natin ang atensiyon tungo sa magasing Gumising! sa ating paglilingkod sa larangan. Maglaan ng personal na panahon upang repasuhin ang mga pinakabagong isyu, at pumili ng itatampok na espisipikong mga punto. Bumaling sa espisipikong mga paksa at mga ilustrasyon.

3 Pagkatapos ipakilala ang sarili, maaari ninyong sabihin:

◼ “Ano sa palagay ninyo ang dahilan at napakaraming nakasisiphayong kalagayan ang napapaharap sa atin ngayon? [Hayaang sumagot.] Kinikilala ng Bibliya na para sa marami, ang buhay ay walang pag-asa at nakasisiphayo. Pansinin kung ano ang sinasabi dito sa Eclesiastes 2:17. [Basahin.] Sumasang-ayon ba kayo na totoo ito ngayon? [Hayaang sumagot.] Ano sa palagay ninyo ang makakaaliw sa isang tao na may maraming suliranin? Narito ang isang kasulatan na nagbibigay ng positibong pangmalas sa buhay. [Basahin ang Awit 37:39, 40.] Naririto sa isyu ng Oktubre 8 ng Gumising! ang ilan sa mga praktikal na mungkahi kung papaano mapagtatagumpayan ang kabalisahan, takot, at panlulumo.” Pagkatapos ay buksan ang magasin at ipakita ang mga artikulo sa “Maaari Mong Supilin ang Negatibong mga Damdamin.”

4 O maaari ninyong sabihin:

◼ “Yamang itinuro sa atin ni Jesus na ipanalanging dumating ang Kaharian ng Diyos at maganap ang Kaniyang kalooban sa lupa gaya na rin sa langit, sa palagay kaya ninyo’y talagang magaganap sa lupa ang kalooban ng Diyos?” Hayaang sumagot, at pagkatapos ay bumaling sa Isaias 55:10, 11 upang ipakita kung papaanong ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay matutupad. Pagkatapos ay maaari ninyong sabihin: “Ang isang kamangha-manghang hula hinggil sa kalooban ng Diyos para sa lupa ay naririto sa Apocalipsis 21:3-5.” Pagkatapos ay maaaring bumaling sa pahina 7 ng Oktubre 8 ng Gumising! at ipakita kung papaanong gagawin ito ng Kaharian ng Diyos.

5 Kung ang itinatampok ninyo ay Oktubre 22 ng “Gumising!”, maaari ninyong sabihin:

◼ “Nakikipag-usap kami sa ating mga kapitbahay hinggil sa mabuting pamahalaan. Sa palagay kaya ninyo’y posible na magkaroon ng isang pamahalaan na makasasapat sa lahat ng ating mga pangangailangan at makalulutas sa lahat ng ating mga suliranin? [Hayaang sumagot.] Ang Bibliya, dito sa Isaias 65:21-23, ay nagpapakita kung papaanong gagawin ito ng pamahalaan ng Diyos. [Basahin.] Taglay ko rito ang isyu ng Oktubre 22 ng Gumising! na may pamagat na ‘Isang Bagong Sanlibutan na Kasiyasiya sa Lahat.’ Nais kong mabasa ninyo ito.” Pagkatapos ay ipakita ang mga artikulo sa pahina 3-14, na pumipili ng espisipikong punto upang ipakita sa maybahay.

6 Ang ating tunguhin ay hindi lamang upang magpasigla ng interes sa pabalita ng Kaharian kundi ang magpasimula rin ng mga pag-aaral sa Bibliya. Kay laki ng ating kasiyahan na magkaroon ng gayong maiinam na artikulo sa Gumising! na makatutulong sa pag-antig ng interes sa katotohanan. Gamitin nawa natin ito sa Oktubre.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share