Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00. Disyembre: New World Translation of the Holy Scriptures kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido sa nabanggit na mga alok ay dapat na gumawa niyaon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay inilakip namin ang Theocratic Ministry School Schedule for 1993. Dahilan dito’y makagagawa ng eskedyul ang mga tagapangasiwa sa paaralan para sa patiunang mga atas. Mapapansin ninyo na ang mga pahayag ng estudiyante ay salig sa bukletang Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan (td) at ipinakikita ang mga bilang para sa mga atas. Gayumpaman, para sa mga nagnanais na gumamit ng pinaikiling seksiyon na “Mga Paksa sa Bibliya na Mapag-uusapan” sa likuran ng Bibliyang New World Translation, ang mga bilang para dito ay ibinibigay sa panaklong pagkatapos ng bawat atas.
◼ Ang Bantayan sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte ay ililimbag nang makalawa isang buwan pasimula sa isyu ng Enero 1, 1993. Magbibigay ito sa mga kapatid na gumagamit ng mga wikang ito ng higit na pagkaing espirituwal sa kanilang pag-aaral ng Bantayan at sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat, materyal na isi-serye sa bawat isyu. Anomang suskripsiyong makuha para sa mga wikang ito mula ngayon ay magiging sa taunang halagang ₱80.00. Malamang na naisin ng maraming kongregasyon na tumanggap ng nakakatulad na bilang bawat isyu katulad ng kanilang tinatanggap ngayon sa distributor’ orders, ngunit kung nadarama ng iba na kailangan nilang bawasan ang kanilang pidido, dapat nilang ipadala kaagad ang Distributor’s Order Blank upang magkabisa ito sa Enero 1, 1993.
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari.