Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/93 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 3/93 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakahihiling ng mga nabanggit sa itaas na babasahin para sa kampanya ay dapat gumawa niyaon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng mga regular payunir sa naunang anim na buwan ng taon ng paglilingkod. Kung may nahihirapang abutin ang kahilingan sa oras, dapat gumawa ng kaayusan ang mga matatanda sa pagbibigay ng tulong. Kung may hindi pa nakakaabot sa 500 oras sa loob ng anim na buwan, dapat isaayos ng mga matatanda na makipag-usap sa kanila at repasuhin ang kanilang eskedyul upang mabawi nila ang nawalang oras at maabot ang 1,000 oras sa Agosto 31. Ukol sa mga mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan (S-201) ng Disyembre 1, 1992.

◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na may pamagat na “Paglilinis ng Ating Sarili Mula sa Karumihan ng Sanlibutan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang mga nagnanais mag-auxiliary payunir sa Abril at Mayo ay dapat na maagang magpasok ng kanilang aplikasyon. Ito’y makatutulong sa mga matatanda na gumawa ng mga kaayusan sa paglilingkod sa larangan at magkaroon ng sapat na magagamit na literatura.

◼ Eskedyul para sa pagbabasa ng Bibliya sa linggo ng Memoryal:

Huwebes, Abril 1 (Nisan 9)

Lucas 19:21-44

Biyernes, Abril 2 (Nisan 10)

Lucas 19:45-48; Mateo 21:12, 13, 18, 19

Sabado, Abril 3 (Nisan 11)

Lucas 20:1-40

Linggo, Abril 4 (Nisan 12)

Lucas 22:1-6

Lunes, Abril 5 (Nisan 13)

Lucas 22:7-13; Marcos 14:12-16

Martes, Abril 6 (Nisan 14)

Lucas 22:14-71

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share