Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. Nobyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadlang, “Pagtingin sa mga Kabataan Mula sa Pangmalas ni Jehova” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon pasimula sa Oktubre.
◼ Kasuwato ng binanggit sa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 23, parapo 13, gagawa ng kaayusan ang mga matatanda sa pagsisimula ng bagong taon ng paglilingkod upang maisaalang-alang ang pagdalaw sa mga taong natiwalag o nahiwalay sa mahigit na isang taon. (Mga matatanda, pakisuyong repasuhin ang Bantayan na ito at gayundin ang sulat noong Marso 20, 1991 sa bagay na ito.)
◼ Ang mga pidido para sa 1994 Yearbook at kalendaryo ay maaari nang ipadala ngayon sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta ng Hulyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan upang dumating ang mga ito sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱30.00. Ang mga regular at espesyal payunir na nasa listahan mula pa nang Hulyo 1, 1993 o bago pa ng petsang ito ay makakatanggap ng isang libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag nagpapadala ng bayad matapos matanggap ang mga Yearbook. Ang mga payunir ay maaaring makakuha ng karagdagang mga kopya para ilagay sa mga di pa nag-alay na mga tao sa ₱20.00 bawat isa. Pakisuyong ipakita ang mga libreng kopya na hiwalay sa mga nasa halaga ng payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo ay ₱20.00 at walang ibang halaga para sa payunir, ni may ibibigay na libre sa mga payunir.
◼ Ang mga pidido ay maaari na ring ipadala para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1994. Ang mga ito ay ilalathala sa lahat ng wika. Kami ay nagpapadala ng pantanging order blank para dito kasama ng statement sa Hulyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo sa bawat wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang kontribusyon ay ₱10.00 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawat espesyal at regular payunir na nasa listahan na mula pa noong Hulyo 1, 1993. Ang mga ekstrang kopya para sa mga payunir ay ₱5.00. Maaaring hilingin ang credit sa paraang kagaya sa mga Yearbook.