Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Theocratic Ministry School Schedule for 1994” at dapat na ingatan bilang reperensiya sa buong 1994.
◼ Yamang ang Nobyembre 30 ay kadalasang ipinahahayag bilang isang pantanging pista opisyal ito ay magsisilbing isang mabuting panahon para isaayos ang pantanging gawain sa magasin.
◼ Ang kuwenta ng kongregasyon ay dapat na i-audit sa Disyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya.