Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/93 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
km 12/93 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: CEBUANO, ILOKO, PANGASINAN at TAGALOG: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. BICOL: Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang Hanggan sa ₱4.00. INTSIK: Your Youth—Getting the Best Out of It; Good News to Make You Happy; o Survival Into a New Earth sa ₱4.00. HILIGAYNON at SAMAR-LEYTE: Good News to Make You Happy sa ₱4.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakahihiling ng mga babasahing nabanggit sa itaas para sa kampanya ay dapat gumawa niyaon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).

◼ Sa Enero, gaya ng ipinakita sa itaas, magkakaroon ng pantanging pagsisikap na ipamahagi ang ilan sa ating matatandang aklat sa mababang halaga sa ilang mga wika. Pakisuyong pansinin na yaong lamang mga publikasyong nakatala sa itaas ang dapat ialok sa mababang halaga na ₱4.00. Ang mga payunir ay maaaring kumuha ng mga kopya sa ₱1.00 bawat isa. Ang mga kongregasyon ay maaaring humiling ng credit para sa mga payunir at mga mamamahayag kapag nagpapadala ng kanilang Remittance and Credit Request form (S-20) sa katapusan ng Enero.

◼ Sa Bicol, marami tayong suplay ng brochure na “Narito!” Iminumungkahi namin na ang lahat ng mga mamamahayag sa lugar na ito ay magdala ng mga kopya nito sa Bicol kapag nakikibahagi sa paglilingkod sa Enero. Yamang ang kontribusyon para dito ay ₱6.00, kung ito’y iaalok kasama ng Bicol na aklat na Katotohanan sa ₱10.00, maaaring ito’y kaakit-akit na alok.

◼ Kung kombiniyente para sa mga kongregasyon na magkaroon ng pag-aaral ng kongregasyon sa aklat sa linggo ng kombensiyon, maaari nilang ganapin iyon. Gayunpaman, kung hindi ito kombiniyente, maaari nilang saklawin ang kalahati nito sa pag-aaral bago ang kombensiyon at ang natitirang kalahati pagkaraan nito, upang makaalinsabay sa ibinigay na eskedyul.

◼ Yaong hindi magkakaroon ng kombensiyon sa Disyembre 30 ay maaaring magsaayos ng pantanging gawain sa magasin, yamang ito ay karaniwang pista opisyal.

◼ Ang taunang teksto para sa 1994 ay hinalaw sa Kawikaan 3:5: “Magtiwala ka kay Jehova nang buong puso mo.” Dapat isaayos ng lahat ng kongregasyon na ilagay ang bagong tekstong ito sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1994.

◼ Mahalaga para sa lahat ng mga mamamahayag na gumawa ng tiyak na kaayusan upang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa pagsisimula ng Disyembre. Kung dahilan sa pagdalo sa isang kombensiyon o pagbabakasyon ay wala kayo sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay sa inyong kalihim ang inyong ulat bago kayo umalis. Sa pamamagitan ng pagiging palaisip sa pag-uulat nang nasa panahon, ang lahat ng mga mamamahayag ay maibibilang sa ulat ng Disyembre.

◼ Ang mga bagong publikasyong ilalabas sa pang-internasyonal na kombensiyon sa Maynila sa Nobyembre 4-7, 1993 ay hindi makukuha sa tanggapang pansangay at hindi dapat pididuhin ng mga kongregasyon hanggat hindi natatapos ang mga kombensiyon sa probinsiya, sa Enero 3, 1994.

◼ Ang isa pang labas na computer diskette ay makukuha na at maaaring pididuhin: New World Translation of the Holy Scriptures—With References/Insight on the Scriptures. Ito ay naglalaman ng New World Translation at ang dalawang tomo ng Insight. Ito’y makukuha lamang sa Ingles sa 5 1/4ʺ 1.2-megabyte o 3 1/2ʺ 1.44-megabyte diskette. Kakailanganin ang isang computer na may hard disk na nagtataglay ng di kukulangin sa 18 megabyte ng free space. Halaga sa mamamahayag: ₱450.00; halaga sa payunir: ₱375.00.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share