Pasulungin ang Interes sa Kaharian ng Diyos ng Kapayapaan
1 Sa buwan ng Pebrero, ating itatampok ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ang ating tunguhin ay upang tumulong sa tapat-pusong mga tao na magkaroon ng pagpapahalaga sa Kaharian ng Diyos at sa gagawin nito. Ang mga punto-de-vistang katanungan ay makatutulong sa atin sa bagay na ito.
2 Pagkatapos ng isang palakaibigang pagbati, maaari nating sabihin ang gaya nito:
◼ “Nakagugulat na mga pagbabago sa pamahalaan ang nagaganap ngayon sa buong lupa, at ang tunguhin ukol sa kapayapaan ang laging nababanggit. Sa palagay ba ninyo’y matatamo pa ang tunay na kapayapaan? [Hayaang magkomento.] Bagaman marami ang tumitingin sa mga tagapamahalang tao para magdala ng kapayapaan, pansinin kung papaano ang Diyos ay nangako na magdala ng kapayapaan sa Awit 46:9. [Basahin.] Anong mga pagbabago sa palagay ninyo ang idudulot ng pagkilos ng Diyos? [Makinig sa tugon ng maybahay, at pagkatapos ay ipakita ang tract na Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan.] Nakikita ba ninyo ang larawan dito?” Isaalang-alang ang impormasyon sa ilalim ng sub-titulong “Ang Buhay sa Bagong Sanlibutan ng Diyos.” Pagkatapos ay maaari nating itanong: “Sa palagay ba ninyo’y maisasagawa ang mga pagbabagong ito ng pamahalaan ng Diyos?” Bumaling sa Kabanata 13 ng aklat na Mabuhay Magpakailanman at talakayin ang unang dalawang parapo. Ialok ang aklat at isaayos ang isang pagdalaw muli.
3 O maaari nating sabihin:
◼ “May malaking pagkabahala kung papaano natin haharapin sa araw-araw ang mga suliraning taglay nating lahat. Sa palagay ba ninyo’y may anumang pag-asa ukol sa kaginhawahan mula sa mga suliraning ito? [Hayaang magkomento.] Nadarama ng ilan na walang interes ang Diyos sa nangyayari sa atin. Gayunpaman, pansinin kung ano ang kaniyang ipinangako sa Apocalipsis 21:3, 4.” Basahin ang mga talata. Sa puntong ito ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, isang bagong magasin, o ang tract na Ang Sanlibutan Bang Ito’y Makaliligtas? ay maaaring itampok. Kung ang tract ang iaalok, maaaring isaalang-alang ang materyal sa mga pahina 2 at 3 sa ilalim ng uluhang “Ang Hinaharap ng Sanlibutang Ito.” Kapag nagpakita ng interes, maaari ninyong ialok ang aklat na Mabuhay Magpakailanman. Kung iniaalok ninyo ang brochure na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos?, maaaring ibangon ang katanungang: “Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa?” Ipakita ang bahagi 6 ng brochure, at isaayos na talakayin ito sa susunod na dalaw.
4 Maaaring piliin ninyong itampok ang isang artikulo sa isa sa mga bagong magasin sa pamamagitan ng pagkukomento sa isang espisipikong punto sa piniling artikulo.
Kung nagpahayag ng interes ang maybahay, iharap ang magasin, marahil sa pagsasabing:
◼ “Ang artikulong ito ay tumatalakay nang higit na detalyado sa paksang ito. [Basahin ang isa o dalawang napiling pangungusap.] Ang artikulo ay tumatalakay ng karagdagang mga punto na tiyak na makapagpapasigla sa inyo at sa inyong sambahayan. Yamang waring interesado kayo sa paksang ito, nalulugod kaming mag-iwan sa inyo ng isyung ito at ng katambal nito.”
5 Ang mga tao sa ngayon ay kadalasang nalilito kung saan babaling ukol sa mga kasagutan sa suliraning nakaharap sa sangkatauhan. Pribilehiyo natin na ibahagi sa kanila ang isang maliwanag na pag-asa sa kinabukasan. (Gawa 17:27) Nawa’y masikap nating ibaling ang pansin ng mga tao sa Kaharian ng Diyos, ang tunay na bukal ng kapayapaan.