Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para doon sa mga hindi nagsasalita ng Ingles, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay maaaring ialok bilang kahalili sa ₱20.00.) Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brochure sa ₱6.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Request Form (S-14).
◼ Kami ay magpapadala kasama ng inyong statement ng kuwenta sa Abril ng isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong suriin ang inyong suplay ng mga porma at pagkatapos ay ipadala ang inyong pidido karakaraka hanggat maaari. Ang lahat ng pidido para sa mga porma ay dapat na matanggap sa tanggapang pansangay sa Agosto 31, 1994. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta sa literatura. Tiyaking magpadala ng remittance mula sa pondo ng inyong kongregasyon upang takpan ang halaga ng mga pormang ito kapag lumitaw na ang singil sa inyong buwanang statement. Mahalaga: Tiyaking isama sa inyong pidido ang lapel card para sa pandistritong kombensiyon upang maipadala sa inyo ang mga ito kapag naimprenta na.
◼ Paalaala: Sa aming sulat sa lahat ng mga kongregasyon noong Agosto 1, 1992, isang babala ang ibinigay hinggil doon sa mga nagtutungo sa Gitnang Silangan bilang mga manggagawang-de-kontrata na laging suriing maingat ang kanilang kontrata bago pirmahan iyon. Maliwanag na ito’y suliranin pa rin, yamang katatanggap pa lamang namin ng pahiwatig na ang ilang mga kapatid ay binigyan ng gawaing militar pagdating nila sa bansa, na sumisira sa kanilang neutralidad at nagdudulot sa kanila ng maraming suliranin. Dapat na repasuhin ng mga matatanda ang aming sulat ng Agosto 1, 1992 at babalaan ang sinuman sa kanilang kongregasyon hinggil sa panganib na ito at himukin silang maingat na suriin ang kanilang kontrata bago pirmahan ang mga ito.