Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Alinmang brochure sa ₱6.00. Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory forms (S-18) kasama ng kanilang statement sa kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang sa lahat ng literatura sa stock at punan ang mga porma nang kompleto, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
◼ Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang ulat sa paglilingkod para ilagay sa Congregation Analysis Report form (S-10). Maingat din niyang bibigyan ng tagubilin ang sinumang matanda o ministeryal na lingkod na maaaring tumulong sa kaniya sa pagtitipon ng ulat. Pangyayarihin nito ang isang tumpak na pagtatala ng kailangang impormasyon mula sa Congregation Publisher Record card (S-21). Ang Congregation Analysis Report form (S-10) ay dapat na punan nang tumpak at masinop at maingat na susuriin ng komite sa paglilingkod.
◼ Ang mga pidido para sa 1995 Yearbook at kalendaryo ay maaari na ngayong ipadala sa Samahan. Kami ay nagpadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hunyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 15. Ang kontribusyon para sa Yearbook ay ₱30.00. Ang mga regular at espesyal payunir na nasa listahan mula ng Hulyo 1, 1994 o bago pa ng petsang ito ay maaaring tumanggap ng libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag kanilang ipinadala ang bayad pagkatapos tanggapin ang mga Yearbook. Ang mga payunir ay maaaring kumuha ng karagdagang kopya sa ₱20.00 ang isa para ilagay sa mga taong hindi pa nababautismuhan. Pakisuyong ipakita ang libreng kopya na kahiwalay ng halaga sa payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo ay ₱20.00 at walang ibang halaga para sa payunir, ni walang ibibigay na libre sa mga payunir.
◼ Ang mga pidido ay maaari na ring ipadala para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1995. Ito’y ilalathala sa lahat ng wika. Kami ay nagpapadala ng pantanging order blank para dito kasama ng statement sa Hunyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na kailangan ninyo para sa bawat wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 15. Ang kontribusyon ay ₱10.00 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawat espesyal at regular payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1994. Ang ekstrang kopya para sa payunir ay ₱5.00. Ang credit ay dapat na hilingin gaya sa mga Yearbook.
◼ Mayroon pang panahon para sa mga nagpaplanong magpasimula bilang regular payunir sa Setyembre 1, 1994 na isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ang mga ito ay inaprobahan ng komite sa paglilingkod, dapat na ipadala ang mga ito sa Samahan nang walang pagkabalam upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.
◼ Kung ang inyong kongregasyon ay nangangailangan ng ekstrang mga magasin sa Oktubre dahilan sa kampanya sa suskrisyon, pakisuyong ipadala kaagad ang inyong pantanging pidido. Tiyaking isaalang-alang ang bilang ng mga auxiliary payunir na maglilingkod sa buwang iyon.
◼ Pasimula sa Agosto 1, 1994, ang halaga ng lahat ng Bibliya sa lahat ng wika na gawa ng Philippine Bible Society ay tataas tungo sa ₱150.00 bawat isa. Walang ibang halaga nito para sa mga payunir. Ang Samahan ay may stock ng Bibliyang PBS sa sumusunod na wika: Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Pampango, Pangasinan, Samar-Leyte, at Tagalog.