Teokratikong mga Balita
Pilipinas: Ang 4 na porsiyentong pagsulong noong Abril ay nagdala sa bilang ng mga mamamahayag sa isang bagong peak na 118,043. Ang bilang ng mga idinaos na pag-aaral sa Bibliya ay 101,117, na siyang pinakamataas na iniulat kailanman sa loob ng isang buwan. Ang ikatlong peak ay ang namumukod tanging nailagay na mga magasin na 679,188, na may kahigitang 100,000 kaysa alinmang buwan! Ang 13,654 na nag-ulat na mga auxiliary payunir ay tiyak na nakaabuloy nang malaki sa mainam na ulat na ito sa Abril.