Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Gumising! sa ₱80.00. Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga Tagapangasiwa ng Sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Ang Pagdaing ng Tao sa Sangnilalang—Kailan Ito Magwawakas?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon pasimula sa Oktubre.
◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karakaraka pagkatapos nito hanggat maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.
◼ Kasuwato ng binanggit sa Bantayan ng Abril 15, 1991, pahina 23, parapo 13, ang mga matatanda ay gagawa ng mga kaayusan sa pagsisimula ng bagong taon ng paglilingkod upang isaalang-alang ang pagbisita sa sinumang natiwalag o kusang humiwalay na maaaring nahihilig na magbalik-muli.
◼ Mula sa isyu ng Hulyo 8, 1994, ang magasing Gumising! sa Intsik ay makalawa na sa isang buwan at kasabay ng Ingles.