Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Disyembre ay dapat na magpasok ng kanilang aplikasyon nang maaga. Ito’y magpapahintulot sa mga matatanda na makagawa ng kinakailangang mga kaayusan para sa literatura at teritoryo.
◼ Yamang ang Nobyembre 30 ay kadalasang isang pista opisyal, ito ay magsisilbing isang mabuting panahon para isaayos ang pantanging gawain sa magasin.
◼ Gaya ng ipinakikita sa Theocratic Ministry School Schedule for 1995, ang bagong aklat na Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos ay gagamitin bilang saligan ng mga pahayag na nagtuturo pasimula sa Enero. Kaya makabubuting ang mga matatanda na wala pang kopya ay pumidido nito sa kongregasyon ngayon, sa Ingles, Cebuano, Iloko, o Tagalog. Ingatan sa isipan na ito ay controlled stock item, na nangangahulugang ang mga kongregasyon ay hihiling lamang ng mga aklat na ito kung mayroong tiyak na pidido mula sa mamamahayag.
◼ Ang Samahan ay nagpaplanong magsaayos ng pagsasalin para sa mga bingi sa “Maka-Diyos na Takot” na Pandistritong Kombensiyon sa Disyembre sa Quezon City. Kaya, ang sinumang bingi na nakakaintindi ng wika sa pamamagitan ng senyas ay dapat na dumalo sa kombensiyong ito, yamang walang pagsasalin nito sa ibang kombensiyon.
◼ Pagbabago ng Kombensiyon: Ang pandistritong kombensiyon na dating naka-eskedyul sa Baybay, Leyte sa Disyembre 16-18, 1994 ay idaraos ngayon sa Maasin, Southern Leyte sa Disyembre 16-18, 1994. Ang lahat ng naatasan sa kombensiyong ito ay dapat magbigay pansin sa pagbabagong ito.