Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/95 p. 3
  • Bahagi 1—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahagi 1—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kaayusan Para sa mga Lugar ng Pagsamba
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Iginagalang Ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Panatilihin Nating Maayos ang Kalagayan ng Ating Dako ng Pagsamba
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Mga Naglalakbay na Tagapangasiwa—Kamanggagawa sa Katotohanan
    Mga Saksi ni Jehova—Nagkakaisang Paggawa ng Kalooban ng Diyos sa Buong Daigdig
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
km 1/95 p. 3

Bahagi 1—Magpakita ng Konsiderasyon sa Iba

1 Tayo’y nagagalak na makita ang pagsulong ng bayan ni Jehova, na naging dahilan ng higit na pagdami ng mga kongregasyon. Sa ibang lugar, lalo na sa malalaking lunsod, ang ilang mga kongregasyon ay nangangailangang gumamit ng iisang Kingdom Hall. Ang kalagayang ito ay humihiling ng ekstrang konsiderasyon sa bahagi ng lahat ng mga nasasangkot.

2 Bawat kongregasyon na gumagamit ng Kingdom Hall ay dapat na iwan itong malinis at nasa maayos na kalagayan para sa mga kapatid na susunod. Ang mga silya ay dapat na isaayos na masinop, anumang literatura na nasa despatso ay dapat na itabi, at anumang personal na bagay na naiwan sa Kingdom Hall ay dapat na tipunin. Ang mga palikuran ay dapat na iwan sa malinis na kalagayan, na tinitiyak na may magagamit na suplay at ang mga tapunan ng basura ay dapat alisan ng laman.

3 Kapag ang susunod na pulong ay malapit ng mag-uumpisa, yaong mga dumalo sa naunang pagpupulong ay hindi dapat na maging mabagal. Ang masyadong mahabang pagbabatian ay maaaring magdulot ng pagsisiksikan at pagkaabala ng mga kapatid na naghahanda sa susunod na pulong. Ang paradahan ay maaaring limitado, at magiging kabaitan na umalis kaagad upang yaong mga dumarating ay may dakong maparadahan. Sa kabilang dako, yaong mga dumadalo sa susunod na pulong ay hindi dapat dumating nang masyadong maaga, na lumilikha ng di kinakailangang pagsisikip sa paradahan at sa may labas ng Kingdom Hall.

4 Kapag may ilang kongregasyon na nasasangkot, may pantanging pangangailangan para sa higit na pagtutulungan sa pagsasaayos ng lingguhang paglilinis ng Kingdom Hall. Kadalasan, ang mga kongregasyon ay nagpapalitan sa paglilinis ng Kingdom Hall sa itinakdang panahon. Kapag ang inyong kongregasyon ay nagkaroon ng gayong pananagutan, tiyaking ang paglilinis ay nagagawang mabuti at karakaraka upang ang kabilang kongregasyon na gumagamit ng bulwagan ay walang maireklamo.

5 Kung minsan ay kailangang baguhin ng mga kongregasyon ang kanilang pulong sa panahon ng dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito. Kung apektado ang ibang kongregasyon, dapat na patiunang sabihan ang kabilang kongregasyon upang maipabatid nila ito sa kanilang mga mamamahayag nang maaga hanggat maaari. Gayundin, kung ang ilang awtorisadong aktibidad, gaya ng Pioneer Service School, pulong ng mga matatanda sa sirkito, o isang kasalan, ay naka-eskedyul, ang ibang mga kongregasyon at ang alinmang apektadong tagapangasiwa ng sirkito ay dapat na kunsultahin nang patiuna upang hindi sila gumawa ng eskedyul sa paggamit ng Kingdom Hall sa gayon ding panahon.

6 Mayroong ilang bulwagan na ginagamit ng mga kongregasyon na kabilang sa iba’t ibang sirkito. Mahalaga para sa mga naglalakbay na tagapangasiwa na dumadalaw sa mga bulwagang ito na mag-ugnayan sa isa’t isa tungkol sa eskedyul ng dumarating na mga pagdalaw. Ang biglaang mga pagbabago o iba pang mga problema ay maaaring lumitaw kapag ang dalawang naglalakbay na tagapangasiwa ay nag-eskedyul ng dalaw sa magkaparehong sanlinggo.

7 Ang maibiging pagsasaalang-alang sa iba, lakip na ang mabuting patiunang pagpaplano at pagtutulungan, ay magpapangyaring mapanatili ang matalik na relasyon sa pagitan ng mga kongregasyon at dahil dito’y makasiseguro na “ang lahat ng bagay ay maganap nang disente at ayon sa kaayusan.”—1 Cor. 14:40.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share