Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Marso: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱80.00. Hunyo: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi nagsasalita ng Ingles, Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? ay maaaring ialok bilang kahalili sa ₱20.00.) PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Kung Bakit Manganganlong kay Jehova” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.
◼ Yaong mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat na maagang magpasok ng kanilang aplikasyon sa komite ng paglilingkod. Ito’y makatutulong sa mga matatanda na malaman kung ilan ang magiging auxiliary pioneer sa pantanging mga buwang ito anupat kanilang maisasaayos ang sapat na teritoryo at suplay ng literatura.
◼ Isa pang release sa computer diskette ang makukuha: GetVerse. Ang bagong programang ito ay nagpapahintulot sa gumagamit na ipasok nang tuwiran ang mga teksto ng Bibliya sa karamihan ng DOS word processor. Ito’y makatutulong sa paghahanda ng mga pahayag o sa paggawa ng listahan ng mga kasulatan. Ang GetVerse ay makukuha lamang sa Ingles sa isang 5 1/4” 360-kilobyte o 3 1/2” 720-kilobyte diskette. Upang magamit ang programang ito, kailangang mayroon kayong kopya ng New World Translation of the Holy Scriptures—With References o ng New World Translation of the Holy Scriptures—With References/Insight on the Scriptures na nailagay na at gumagana na sa inyong computer.
◼ Marami pa kaming suplay ng mga tomo ng Watchtower at Awake! sa Ingles para sa 1993 sa tanggapang pansangay. Pinasisigla namin ang mga indibiduwal at ang mga kongregasyon na pumidido ng mga ito upang gamitin sa kanilang teokratikong mga aklatan. Mayroon pa rin kaming suplay ng lahat ng tomo mula sa 1960 hanggang 1992 na maaaring pididuhin upang makompleto ang mga aklatan.
◼ Nais naming ipagunita sa lahat na mayroon kami sa stock ng album ng 8 cassette para sa aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa Ingles. Gaya ng album na Mga Kuwento sa Bibliya, nasisiyahan dito ang kapuwa bata at matanda at nakatutulong sa lahat na maging pamilyar sa buhay ni Jesus dito sa lupa. Ang kontribusyon dito ay ₱300.00 para sa publiko’t mamamahayag at ₱230.00 para sa mga payunir.