Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon para sa Gumising! o Ang Bantayan sa ₱80.00. Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Nobyembre ay dapat na magpasok kaagad ng kanilang aplikasyon. Ito’y magpapahintulot sa mga matatanda na makagawa ng kinakailangang mga kaayusan para sa literatura at teritoryo.
◼ Yamang ang Nobyembre 1 ay kadalasang isang pista opisyal, ito ay magsisilbing isang mabuting panahon para isaayos ang pantanging gawain sa magasin. Maraming tao ang nag-iisip hinggil sa namatay na mga minamahal sa buhay sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, kaya makabubuting gumamit ng tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? at gayundin ang mga brosyur na Espiritu ng mga Patay at Kapag Namatay ang Iyong Minamahal kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na iyon.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Theocratic Ministry School Schedule for 1996” at dapat na ingatan ito bilang reperensiya sa buong 1996.