Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Nobyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Disyembre: Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman sa ₱60.00. Enero: Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱30.00 o Tunay na Kapayapaan at Katiwasayan sa ₱20.00. Pebrero: Apocalipsis—Malapit na ang Dakilang Kasukdulan Nito! sa ₱60.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakakapidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Disyembre ay dapat na magpasok kaagad ng kanilang aplikasyon. Ito’y magpapahintulot sa mga matatanda na makagawa ng kinakailangang mga kaayusan para sa literatura at teritoryo.
◼ Ang Samahan ay nagpaplanong magsaayos ng pagsasalin para sa bingi sa unang Quezon City “Maliligayang Tagapuri” na Pandistritong Kombensiyon sa Disyembre 22-24, 1995. Kaya, ang sinumang taong bingi na nakakaintindi ng wika sa pamamagitan ng senyas ay dapat na dumalo sa kombensiyong ito, yamang walang gagawing pagsasalin para sa bingi sa iba pang mga lugar ng kombensiyon.
◼ Mga Pagbabago ng Kombensiyon: Pakisuyong pansinin sa insert na naglista ng mga pandistritong kombensiyon na ang pandistritong kombensiyon na dating naka-eskedyul sa Pili, Camarines Sur ay idaraos ngayon sa Iriga City, at ang isa na naka-eskedyul sa Maynila ay idaraos ngayon sa Pasay City. Walang pagbabago sa petsa ng dalawang kombensiyong ito.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Watch Tower Publications Index 1991-1994 (Mamamahayag: ₱25.00; Payunir: ₱20.00)—Ingles
◼ Makukuhang Bagong Videocassette:
To the Ends of the Earth (Mamamahayag: ₱300.00; Payunir: ₱240.00)—Ingles
(Pansinin: Ang videocassette na ito ay isang kasaysayan ng paaralang Gilead at ng gawaing misyonero na isinasagawa sa buong daigdig. Makabubuting gamitin ito sa mga pag-aaral sa Bibliya upang patibayin ang kanilang pagpapahalaga sa edukasyonal na gawain na isinasagawa ng bayan ni Jehova sa buong daigdig. Magagamit ito sa mga VHS recorder lamang, hindi sa Betamax.)