Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/96 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 3/96 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Marso: Ang bagong aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Pasimula sa Abril, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Magtiwala sa Diyos ng Lahat ng Kaaliwan” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Marso 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag ito’y naisagawa na.

◼ Gaya ng ipinatalastas sa Enero ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ang pantanging pahayag pangmadla sa taóng ito ay ihaharap sa karamihang kongregasyon sa Abril 21. Ang pahayag ay pinamagatang “Pananatiling Walang Kapintasan sa Gitna ng Isang Balakyot na Salinlahi.” Isang pantanging pagsisikap ang dapat gawin upang anyayahan yaong mga dumalo sa Memoryal sa April 2.

◼ Yaong mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Abril at Mayo ay dapat maagang magsumite ng kanilang aplikasyon sa komite ng paglilingkod. Ito ay tutulong sa mga matatanda na malaman kung gaano karami ang magiging auxiliary pioneer sa pantanging mga buwang ito upang kanilang maisaayos ang sapat na teritoryo at suplay ng literatura.

◼ Bilang paghahanda sa Memoryal sa Abril 2, ang lahat ay pinasisiglang sumubaybay sa pagbabasa ng Bibliya mula sa Marso 28 hanggang Abril 2. Ang iskedyul ay lumilitaw kapuwa sa 1996 Calendar at Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1996.

◼ Makukuhang Bagong Videocassette:

The New World Society in Action (Isang pagrerepaso sa makasaysayang pelikula noong 1954 na may gayunding pamagat. Publiko at Mamamahayag: ₱300.00; Payunir: ₱240.00.)—Ingles

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share