Mga Paalaala sa Memoryal
Ang sumusunod na mga bagay ay nangangailangan ng pansin bago ang pagdiriwang ng Memoryal sa Martes, Abril 2:
◼ Ang lahat, lakip ang tagapagsalita, ay dapat patalastasan sa tiyak na oras at lugar ng selebrasyon.
◼ Ang angkop na uri ng tinapay at alak ay dapat na kunin at ihanda.—Tingnan ang Agosto 15, 1985, Bantayan, pahina 19 (Pebrero 15, 1985 sa Ingles).
◼ Isang angkop na mesa, isang mantel, mga plato, at mga kopa ang dapat na dalhin sa bulwagan nang patiuna at ilagay nang maayos.
◼ Ang Kingdom Hall ay dapat na lubusang linisin nang patiuna.
◼ Ang mga attendant at tagapagsilbi ay dapat na piliin at patiunang bigyan ng tagubilin sa wastong pamamaraan at sa kanilang mga tungkulin.
◼ Dapat gumawa ng mga kaayusan upang mapaglingkuran ang sinumang pinahiran na masakitin at hindi makadadalo.
◼ Kapag mahigit sa isang pagdiriwang ang naka-iskedyul sa isang Kingdom Hall, dapat na magkaroon ng mabuting ugnayan ang mga kongregasyon upang maiwasan ang pagsisiksikan sa daanan, mga pampublikong bangketa, at paradahan.