Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. Hunyo: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Hulyo at Agosto: Alinmang brosyur sa ₱6.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Kami ay magpapadala kasama ng inyong statement ng kuwenta sa Marso ng isang “Special Order Blank for Forms.” Pakisuyong suriin ang inyong suplay ng mga porma at pagkatapos ay ipadala karaka-raka ang inyong pidido hangga’t maaari. Ang lahat ng pidido para sa mga porma ay dapat matanggap sa tanggapang pansangay sa Agosto 31, 1996. Ang halaga ng mga porma ay sisingilin sa inyong kuwenta sa literatura. Tiyaking magpadala ng remittance upang matakpan ang halaga ng mga pormang ito kapag lumitaw ang halagang sinisingil sa inyong buwanang statement. Mahalaga: Tiyaking ilakip ang inyong pidido ng mga lapel card para sa pandistritong kombensiyon sa pidido ng porma upang maipadala ang mga ito sa inyo kapag naimprenta na.
◼ Makukuhang mga Bagong Publikasyon:
Inilimbag muling mga tomo ng Watchtower para sa mga taóng 1951 at 1952—Ingles
Lasting Peace and Happiness—How to Find Them—Intsik (Ito’y isang brosyur at makukuha lamang sa Intsik.)
Tract, Ang Buhay sa Mapayapang Bagong Sanlibutan—Chabacano, Tausog