Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. (Para sa mga hindi bumabasa ng Ingles, ang aklat na Mabuhay Magpakailanman ay iaalok bilang kahalili.) Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Nobyembre: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Isang Matapat na Kongregasyon sa Ilalim ng Pangunguna ni Kristo” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
◼ Ang mga punong tagapangasiwa o sinumang atasan niya ay mag-a-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag natapos na ito.
◼ Ipinagugunita sa mga matatanda na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa mga pahina 21-3 ng Abril 15, 1991 ng Bantayan, hinggil sa sinumang natiwalag o nahiwalay na tao na maaaring nagnanais na muling maibalik.