Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Nobyembre: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. (Tingnan ang patalastas sa ibaba.) PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Sa Enero ay ating iaalok ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang halaga. Ang halaga sa payunir ay ₱15.00. Ang lahat ng pidido para sa aklat na ito na matatanggap pagkatapos ng Setyembre 1, 1996 ay sisingilin sa mga kongregasyon sa halagang ₱20.00. Gayundin, para sa bawat isa sa mga aklat na ito na nasa stock ng inyong kongregasyon sa Setyembre 1 at na lumitaw sa inyong Literature Inventory (S-18) nang petsang iyon, babawasin ng Samahan sa inyong kuwenta ang ₱10.00 para sa bawat aklat. Kaya, ang tanging credit na kailangang hilingin ng mga kongregasyon ay para doon sa kinuha ng mga payunir. Gayunpaman, kapag humihiling ng pioneer credit, pakisuyong ilista ang mga aklat na ito sa linya para sa “Pocket-size books” sa S-20 Remittance and Credit Request form.
◼ Kadalasan ang Nobyembre at Disyembre ay maiinam na buwan para makibahagi sa gawaing auxiliary pioneer. Yaong mga nagpaplano na mag-aplay ay dapat na magpasok ng kanilang aplikasyon nang maaga upang makagawa ang matatanda ng kailangang mga kaayusan para sa literatura at teritoryo.
◼ Yamang ang Nobyembre 1 ay kadalasang pista opisyal ito ay magiging isang mabuting panahon upang isaayos ang pantanging gawain sa magasin. Marami ang nababahala sa kanilang namatay na mga minamahal sa Oktubre 31 at Nobyembre 1, kaya makabubuting gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa para sa Namatay na mga Minamahal? at gayundin ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal kapag gumagawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa mga araw na iyon. Karagdagan pa, masusumpungan ninyong ang artikulong “Kapag Binuhay-Muli ang mga Patay” sa Oktubre 15, 1996 ng Bantayan ay lubhang angkop sa panahong ito.
◼ Ang insert sa isyung ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Theocratic Ministry School Schedule for 1997” at dapat na ito’y ingatan bilang reperensiya sa buong 1997.
◼ Ang Watchtower Library—1995 Edition ay makukuha na ngayon sa CD-ROM at maaaring pididuhin sa kontribusyon na ₱300.00. Ito’y kapalit ng 1993 edisyon at naglalaman ng lahat ng edisyon ng The Watchtower mula 1950 hanggang 1995 at gayundin ng lahat ng isyu ng Awake!, Our Kingdom Ministry, mga aklat, buklet, brosyur, at mga tract para sa mga taon ng 1970 hanggang 1995. Para magamit ang CD-ROM, kailangang mayroon kayo ng sumusunod: isang IBM-PC-compatible computer na may 80386 o mas mabilis na microprocessor; isang nakakabit na CD-ROM drive; hindi kukulangin sa dalawang megabyte ng RAM (apat na megabyte ang inirerekomenda); limang megabyte ng free hard disk space; isang VGA o mas mataas na resolution color o monochrome monitor; alinman sa Windows 3.1, Windows 95, o Windows NT 3.51 para sa Intel operating systems ang maaaring gamitin. Gayundin, ito ay maaaring gamitin sa OS/2 operating system.