Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/96 p. 1
  • Tayo ay May Komisyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tayo ay May Komisyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Kaparehong Materyal
  • “Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • “Ipangaral ang Salita”!
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Tinutulungan Tayo ni Jehova na Magawa ang Ministeryo Natin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Bakit Nangangaral sa Bahay-bahay ang mga Saksi ni Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 11/96 p. 1

Tayo ay May Komisyon

1 Si Jesus ay nag-utos sa kaniyang mga tagasunod na “gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa.” (Mat. 28:19) Sa 232 lupain at mga grupo ng isla sa palibot ng lupa, mahigit sa limang milyong tagapuri ng Diyos na Jehova ang naglalaan ng buháy na patotoo sa katuparan ng utos ni Jesus. Subalit kumusta naman tayo sa ganang sarili? Seryoso ba tayo sa komisyong mangaral?

2 Isang Obligasyong Moral: Ang komisyon ay “isang utos upang isagawa ang itinakdang pagkilos.” Tayo ay inutusan ni Kristo na mangaral. (Gawa 10:42) Natanto ni apostol Pablo na iniaatang nito sa kaniya ang isang pangangailangan, o moral na obligasyon. (1 Cor. 9:16) Bilang paghahalimbawa: Ipagpalagay na ikaw ay isang tripulante sa isang lumulubog na bapor. Inutusan ka ng kapitan na babalaan ang mga pasahero at akayin sila sa mga bangkang pangkaligtasan. Ipagwawalang-bahala mo ba ang utos at ang ililigtas mo lamang ay ang sarili? Tunay na hindi! Buhay ng iba ang nakataya! Ikaw ay may moral na obligasyon upang ganapin ang iyong komisyon na tulungan sila.

3 Tayo ay may banal na komisyon na magbigay ng babala. Malapit nang wakasan ni Jehova ang buong sistemang ito ng mga bagay. Milyun-milyong buhay ang nasa panganib! Magiging wasto ba para sa atin na ipagwalang bahala ang panganib sa iba at ang isipin lamang ay ang pagliligtas ng ating sarili? Tunay na hindi! Mayroon tayong moral na obligasyon na tumulong upang iligtas ang mga buhay ng iba.—1 Tim. 4:16.

4 Matutularan na Tapat na mga Halimbawa: Ang propetang si Ezekiel ay nakadama ng pananagutang magbigay ng babalang mensahe sa di-tapat na mga Israelita. Si Jehova ay nagbabala sa kaniya sa mangyayari kapag hindi niya ginanap ang kaniyang atas: “Kapag aking sinabi sa masama, ‘Ikaw ay walang pagsalang mamamatay,’ at hindi mo siya babalaan . . . , ang gayong masamang tao ay mamamatay, sa kaniyang kasamaan, ngunit ang kaniyang dugo ay aking sisiyasatin sa iyong kamay.” (Ezek. 3:18) May katapatang tinupad ni Ezekiel ang kaniyang komisyon sa kabila ng matinding pagsalansang. Kaya, nagawa niyang magalak nang inilapat na ang kahatulan ni Jehova.

5 Pagkaraan ng ilang siglo, isinulat ni apostol Pablo ang hinggil sa kaniyang pananagutang mangaral. Wika niya: “Ako ay malinis sa dugo ng lahat ng tao, sapagkat hindi ko ipinagkait ang pagsasabi sa inyo ng lahat ng payo ng Diyos.” Si Pablo ay nangaral sa madla at sa bahay-bahay sapagkat alam niya na kapag hindi niya ginawa ito ay magkakaroon siya ng kasalanan sa dugo sa harapan ng Diyos.—Gawa 20:20, 26, 27.

6 Taglay ba natin ang sigasig ni Ezekiel? Tayo ba’y nauudyukang mangaral gaya ni Pablo? Libu-libo pa ang maaaring tumugon sa mensahe ng Kaharian at magsabi: “Kami ay magsisiyaong kasama ninyo, sapagkat aming narinig na ang Diyos ay kasama ninyo.” (Zac. 8:23) Ang atin nawang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay magpakilos sa atin na huwag huminto. Taglay natin ang komisyong mangaral!

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share