Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/96 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
km 11/96 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na Literatura sa Nobyembre: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang halaga na ₱20.00. (Tingnan ang patalastas sa Oktubre na Ating Ministeryo sa Kaharian.) Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Gayunpaman, sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa pinababang halaga na ₱20.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary payunir sa Disyembre ay dapat na maagang magpasok ng kanilang aplikasyon upang makagawa ang matatanda ng kailangang mga kaayusan para sa literatura at teritoryo.

◼ Ang Samahan ay nagpaplanong magsaayos ng pagsasalin para sa bingi sa unang “Mga Mensahero ng Maka-Diyos na Kapayapaan” na Pandistritong Kombensiyon sa Quezon City sa Disyembre 20-22, 1996. Kaya, ang sinuman sa mga taong bingi na nakaiintindi ng wikang pasenyas ay dapat dumalo sa kombensiyong ito, yamang walang anumang pagsasaling gagawin para sa bingi sa iba pang mga lugar ng kombensiyon.

◼ Ang order blank para sa pagpidido ng 1997 Yearbook ay ipinadala sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta ng Hunyo. Kung hindi pa ninyo napupunan ito, pakisuyong gawin iyon at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Nobyembre 15, 1996 gaya ng kahilingan dito.

◼ Para sa mga Kalihim ng Kongregasyon: Kung may mga mamamahayag na aalis sa inyong kongregasyon upang manirahan sa ibang bansa, pakisuyong gumawa ng pantanging pagsisikap na ipadala ang kanilang Publisher Record card sa angkop na kongregasyon nang maaga hangga’t maaari. Kami ay nakatatanggap ng mga ulat na yaong mga umaalis upang manirahan sa ibang bansa ay hindi nabibigyan doon ng espirituwal na atensiyon sa loob ng ilang mga buwan. Upang maiwasan ito, tiyaking kunin ang wastong direksiyon na padadalhan ng sulat para sa kanila bago sila lumisan, o karaka-raka pagdating nila doon hangga’t maaari. Sa ganitong paraan, kahit na hindi ninyo makuha ang direksiyon ng kalihim ng kongregasyon doon, maipadadala ninyo ang kanilang record card sa tanggapang pansangay ng Samahan sa bansang iyon kalakip ang sulat na nagpapaliwanag sa situwasyon at ibinibigay ang wastong direksiyon. Sa gayo’y maipadadala nila ang impormasyon sa pinakamalapit na kongregasyon upang sila’y matulungan sa espirituwal.

◼ Pagbabago ng Pandistritong Kombensiyon: Pakisuyong pansinin sa listahan ng mga kombensiyon na ang kombensiyong dating naka-iskedyul sa Marikina, Metro Manila ay idaraos ngayon sa Lunsod ng Pasig. Hindi mababago ang mga petsa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share