Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. (Tingnan ang patalastas sa Oktubre ng Ating Ministeryo sa Kaharian.) Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. Marso: Bagong publikasyong ilalabas sa pandistritong kombensiyon. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang punong tagapangasiwa o sinumang inatasan niya ay dapat mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka hangga’t maaari pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag naisagawa na ito.
◼ Mahalaga para sa lahat ng mamamahayag na gumawa ng tiyak na kaayusan upang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa bandang pasimula pa lamang ng Disyembre. Kung, dahilan sa pagdalo sa isang kombensiyon o pagbabakasyon, kayo ay mapapalayo sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking ibigay sa kalihim ang inyong ulat bago kayo umalis. Kapag ang lahat ay maingat na nag-uulat nang nasa panahon, magkakaroon tayo ng kumpletong ulat sa Disyembre.
◼ Yamang ang pandistritong kombensiyon sa taóng ito ay tatlong araw lamang, hindi na kailangang kanselahin ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa linggo ng kombensiyon.
◼ Mga Kontribusyon sa Pandistritong Kombensiyon: Nais naming ipagunita sa bawat isa na ang lahat ng gastos sa kombensiyon, lakip na ang pag-arkila ng mga pasilidad, pagtatayo ng entablado, at inilaang public address system, ay suportadong lahat ng inyong boluntaryong mga kontribusyon. Nalalaman naming iingatan ito sa isipan ng lahat ng dumadalo. Ang mga kontribusyon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng mga kahon ng kontribusyon na inilaan sa mga kombensiyon.—Tingnan ang parapo 13 ng insert ng Nobyembre, 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian.
◼ 1997 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 1997 ay hinalaw sa Awit 143:10: “Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban.” Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na mailagay ang bagong tekstong ito sa kanilang mga Kingdom Hall sa Enero 1, 1997.
◼ Pagtutuwid: Sa Agosto, 1996 ng Ating Ministeryo sa Kaharian ang halagang ₱20.00 ay maling naibigay para sa 1997 calendar. Ito’y dapat na ₱25.00. Pakisuyong tiyaking ang mga kapatid ay mag-aabuloy ng ganitong halaga, yamang ito ang sisingilin sa kongregasyon.
◼ Makukuhang Bagong Compact Disc:
Kingdom Melodies on Compact Disc, Tomo 1. (Ito ang una sa walong Compact Disc at ang musika nito ay kapareho ng Kingdom Melodies No. 1 sa audiocassette. Ang kontribusyon para sa mga mamamahayag at mga payunir ay ₱90.00.)