Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Pebrero: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱60.00, maliit na edisyon sa ₱30.00. Sa mga teritoryong hindi nagsasalita ng Ingles, ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay dapat na ialok sa pinababang kontribusyon na ₱20.00. Marso: Ang bagong aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱20.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon ng Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Dapat repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain ng lahat ng regular pioneer sa kongregasyon. Sa katapusan ng Pebrero, dapat na sila’y nakapag-ulat na ng humigit-kumulang sa 500 oras sa taóng ito ng paglilingkod. Kung may sinumang nahihirapan sa pag-abot sa kahilingan sa oras, dapat na isaayos ng matatanda na mabigyan ng tulong ang mga ito. Bilang mungkahi, repasuhin ang sulat ng Samahan na may petsang Disyembre 15, 1996.
◼ Sa Linggo, Pebrero 16, magkakaroon ng pulong ang lahat ng mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Marso, Abril, at Mayo. Ang lahat ay pinasisiglang dumalo. Ang pulong na ito ay dapat pangasiwaan ng tagapangasiwa sa paglilingkod at titiyaking may sapat na aplikasyon para sa auxiliary pioneer. Yaong mga nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa tatlong buwang ito ay dapat na gumawa ng kanilang plano ngayon at isumite nang maaga ang kanilang aplikasyon.
◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya—Bicol, Cebuano, Tsino, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Vietnamese
Ano ang Hinihiling ng Diyos sa Atin?—Bicol, Cebuano, Tsino, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog, Vietnamese
◼ Makukuhang Bagong Compact Disc:
Kingdom Melodies on Compact Disc, Tomo 2. (Naglalaman ng musikang kagaya ng Kingdom Melodies No. 2 sa audiocassette. Ang halaga para sa mamamahayag at payunir: ₱90.00.)