Mga Patalastas
◼ Alok na literatura para sa Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00 kung Sabado, at brosyur na Hinihiling sa ibang araw ng sanlinggo. Hunyo: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-Hanggan sa ₱20.00. Hulyo at Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱6.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga pidido ay maaari nang ipadala para sa mga tomo ng 1996 Watchtower at Awake! Kapag ang mga pidido ay natanggap na ito ay ilalagay sa isang invoice na mamarkahang “back-ordered.” Walang paniningil na gagawin sa kuwenta sa pagkakataong iyon. Kapag ang mga tomo ay natanggap na mula sa Brooklyn ang mga ito ay sisingilin sa inyong kuwenta at ipadadala sa kongregasyon.
◼ Ang lahat ng kongregasyon sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte ay magpapasimulang mag-aral sa brosyur na Talaga Bang Minamahal Tayo ng Diyos? sa mga pag-aaral ng kongregasyon sa aklat sa linggo ng Hunyo 30 hanggang Hulyo 6. Kasunod nito, ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal ay pag-aaralan pasimula sa linggo ng Setyembre 1-7. Ang maagang patalastas na ito ay ginawa upang ang lahat ng mga kongregasyong gumagamit ng mga wikang ito ay magkaroon ng panahong pumidido kung ano ang kailangan nila mula sa Samahan.
◼ Makukuhang Bagong Compact Disc:
Singing Kingdom Songs (Isang 76-na-minutong recording ng pag-awit ng piniling mga awiting pang-Kaharian, sa saliw ng orkestra; Mamamahayag at payunir: ₱90.00)—Ingles
Kingdom Melodies on Compact Disc, Tomo 3 (Naglalaman ng kaparehong musika kagaya ng nasa Kingdom Melodies No. 3 sa audiocassette; Mamamahayag at payunir: ₱90.00)