Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/97 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 9/97 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Setyembre: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱20.00. Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 35 ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang kampanya sa Kingdom News Blg. 35 ay magpapatuloy hanggang sa unang kalahating bahagi ng buwan. Pagkatapos, ang aklat na Kaalaman ay iaalok. Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadla na pinamagatang “Gamitin ang Edukasyon Upang Purihin si Jehova” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.

◼ Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat na mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Setyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito hangga’t maaari. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag natapos na ito.

◼ Ang matatanda ay pinaaalalahanan na sundin ang mga tagubiling ibinigay sa mga pahina 21-3 ng Abril 15, 1991 ng Bantayan, hinggil sa sinumang taong natiwalag o naghiwalay ng sarili na maaaring nagnanais na bumalik.

◼ Sa Oktubre at Nobyembre magkakaroon ng isang pantanging pamamahagi ng Kingdom News Blg. 35. Ito’y magiging isang mabuting panahon para doon sa maaaring makapag-auxiliary pioneer. Pinasisigla namin ang lahat na magplano para sa tunguhing ito.

◼ Marami pa tayong suplay ng mga tomo ng Watchtower sa Ingles mula 1951 hanggang 1959 at nais naming pasiglahin ang mga indibiduwal at mga kongregasyon na pumidido ng mga ito para sa kanilang mga teokratikong aklatan.

◼ Ang “Tanong” sa Mayo, 1997 ng Ating Ministeryo sa Kaharian, ay nagmungkahi na tayo’y dapat na maging maingat may kinalaman sa paggawang kasama ng di-kasekso sa ministeryo. May mabubuting dahilan para gamitin ng lahat ang mabuting pagpapasiya sa bagay na ito. Ito’y hindi nangangahulugang ang mga naglalakbay na tagapangasiwa o ang iba pang kapatid na lalaki ay hindi na maaaring gumawang kasama ng mga kapatid na babae sa ministeryo sa larangan. Sa halip, ang punto na ipinahayag ay na hindi katalinuhan para sa isang kapatid na lalaki na palaging gumamit ng panahon kasama ng iyon at iyon ding tao na di-kasekso na hindi naman niya kamag-anak.

◼ Makukuhang mga Bagong Videocassette

The Bible—Its Power in Your Life (Ito’y ikatlo sa serye hinggil sa Bibliya. Mamamahayag: ₱300.00; Payunir: ₱240.00.)—Ingles

◼ Makukuha na Naman:

Watchtower Library—1995 Edition sa CD-ROM—Ingles (Pansinin: Kapag gumagawa ng mga kahilingan sa literatura, dapat na ingatan ng mga kongregasyon sa isipan na ang mga CD-ROM ng Samahan ay hindi ipinamamahagi nang walang-taros. Pangunahing ito’y para gamitin ng mga mamamahayag.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share