Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 10/97 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 10/97 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Oktubre: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan o Gumising! sa ₱120.00. Pasimula sa huling bahagi ng buwan, ang Kingdom News Blg. 35 ay ipamamahagi. Nobyembre: Ang kampanya sa Kingdom News Blg. 35 ay magpapatuloy hanggang sa unang kalahating bahagi ng buwan. Pagkatapos, ang aklat na Kaalaman ay iaalok. Disyembre: New World Translation sa Ingles o Ang Banal na Kasulatan kasama ng Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao? sa ₱100.00. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos o maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman sa ₱20.00. PANSININ: Ang mga kongregasyong hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanya gaya ng nasa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Sa Nobyembre 1, maraming tao ang nagiging palaisip sa kanilang mga namatay na minamahal, anupat makabubuting gamitin ang tract na Ano ang Pag-asa Para sa Namatay na mga Minamahal? at ang brosyur na Kapag Namatay ang Iyong Minamahal sa paggawa sa bahay-bahay o sa mga sementeryo sa araw na iyon.

◼ Ang insert sa labas na ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ay ang “Iskedyul sa Paaralang Teokratiko sa Pagmiministro Para sa 1998” at dapat na ingatan bilang reperensiya sa buong 1998.

◼ Dahilan sa may limang buong dulong sanlinggo, ang buwan ng Nobyembre ay maaaring maging isang kombinyenteng panahon para sa marami na makapag-auxiliary pioneer.

◼ Mayroon ba kayong suplay ng mga handbill upang ipakita ang oras ng inyong pulong? Kung wala, maaari kayong pumidido ng inyong suplay sa Handbill Order form (S-AB-16).

◼ Kung ang mga kongregasyon ay hindi pa nakapagpapadala ng kanilang pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—1998, kailangan nilang gawin agad ito. Nanaisin ng lahat ng kongregasyon na magkaroon ng mga buklet na ito upang magamit ng mga mamamahayag sa Enero 1, 1998. Ang mga buklet na ito ay mga special-request item.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share