Ano ang Sasabihin Ko?
Kapag nakakasumpong tayo ng mga tao sa ministeryo na may mabuting pagtugon, nais nating bumalik upang bigyan sila ng karagdagang patotoo. Gayunpaman, maaaring hindi natin tiyak kung ano ang sasabihin upang ipagpatuloy ang susunod na pag-uusap. Maaari ninyong subukan ang paraang ito: Magbangon ng kapana-panabik na tanong, at pagkatapos ay bumaling sa aklat na Nangangatuwiran upang ipakita ang maka-Kasulatang sagot. Makatutulong ang pagkakaroon ng listahan ng mga tanong na mapagpipilian ninyo ng isa na inaakala ninyong makakukuha ng pinakamabuting pagtugon sa isang partikular na pagdalaw. Ang listahan sa ibaba, na tinipon mula sa aklat na Nangangatuwiran, ay nagpapakita ng numero ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat sagot:
◼ Bakit tayo tumatanda at namamatay? (105, Kamatayan)
◼ May matitibay na dahilan ba upang maniwala sa Diyos? (126, Diyos)
◼ Talaga bang nababahala ang Diyos sa nangyayari sa tao? (128, Diyos)
◼ Kailangan pa bang pumunta ang tao sa langit upang tamasahin ang isang tunay na maligayang kinabukasan? (221, Langit)
◼ Bakit mahalagang malaman at gamitin ang personal na pangalan ng Diyos? (195, Jehova)
◼ Ano ang maisasagawa ng Kaharian ng Diyos? (88, Kaharian)
◼ Ano ang layunin ng buhay ng tao? (70, Buhay)
◼ Bakit ganiyang karami ang mga relihiyon? (359, Relihiyon)
◼ Papaano malalaman ng isang tao kung aling relihiyon ang tama? (365, Relihiyon)
◼ Gaanong kalaki ang impluwensiya ni Satanas sa sanlibutan ngayon? (398, Satanas)
◼ Bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa? (284, Pagdurusa)
◼ Bakit totoong laganap ang kabalakyutan? (83, Kabalakyutan)
Maaari ninyong ilagay ang ganitong listahan ng mga tanong sa inyong Bibliya o sa aklat na Nangangatuwiran para sa mabilis na paghanap nito. Ang pagkakaroon sa isipan ng tiyak na sasabihin sa mga pagdalaw-muli ay magpapasigla sa inyo na maging tapat sa pagsubaybay sa lahat ng interes na nasumpungan ninyo.