Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 6/98 p. 7
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
km 6/98 p. 7

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Hunyo: Alinman sa aklat na Pinakadakilang Tao sa ₱75.00 o Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos sa ₱40.00. Hulyo at Agosto: Maaaring ialok ang alinman sa mga brosyur sa ₱7.50, subalit nais natin na partikular na itampok ang bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao. Setyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Ang punong tagapangasiwa o ang sinumang inatasan niya ay dapat mag-audit sa kuwenta ng kongregasyon sa Hunyo 1, o karaka-raka pagkaraan nito. Ipatalastas sa kongregasyon kapag ito ay nagawa na.

◼ Malamang na ideklara bilang pista opisyal ang Hunyo 12. Kung gayon, makabubuting magsaayos ang kongregasyon ng pantanging araw ng pamamahagi ng magasin sa araw na iyon.

◼ Pansinin: Gaya ng binanggit na sa itaas, mag-aalok tayo ng mga brosyur sa Hulyo at Agosto. Yamang hindi pa natin inialok ang bagong brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao, na inilabas sa ating katatapos lamang na mga pandistritong kombensiyon, nais naming himukin ang lahat na gumawa ng pantanging pagsisikap upang iharap ang brosyur na ito sa susunod na dalawang buwan. Upang magawa ito, kailangang ipadala agad ng mga kongregasyon ang kanilang mga pidido upang matanggap nila ang mga ito para magamit sa panahon ng kampanya. May sapat kaming suplay ng brosyur na ito sa tanggapang pansangay kaya naman inaasahan naming matanggap ang inyong mga pidido.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share