Tanong
● Kailan maaaring iulat ang isang bagong pag-aaral sa Bibliya, at sino ang maaaring ibilang na mga pag-aaral?
Maaaring iulat ang isang bagong pag-aaral sa Bibliya kapag ito ay naidaos nang dalawang ulit pagkatapos ng pagdalaw kung saan ay itinanghal ang kaayusan sa pag-aaral at may dahilang maniwala na magpapatuloy ang pag-aaral. Isang Study Report form ang dapat gawin at ihulog sa katapusan ng buwan. Ang pagdalaw-muli at ang oras na ginugol ay bibilangin sa bawat pag-aaral.
Kapag ang isa pang mamamahayag ay sumama sa isa na nagdaraos ng pag-aaral, maaari niyang bilangin ang oras kapag siya’y nakibahagi sa pag-aaral. Gayunpaman, ang konduktor lamang ng pag-aaral ang mag-uulat ng pagdalaw-muli at ng pag-aaral sa Bibliya.
May pagkakataon na hihilingin ng isang matandang kabilang sa Komite ng Kongregasyon sa Paglilingkod sa isang mamamahayag na magdaos ng pag-aaral sa isang bautisadong mamamahayag na di-aktibo. Ito ay isang eksepsiyon na ipinaliwanag sa aklat na Ating Ministeryo, pahina 103.
Maaaring iulat ng isang magulang ang isang pampamilyang pag-aaral na idinaraos nang regular kung kabilang doon ang mga di-bautisadong miyembro. Hanggang isang oras ng paglilingkod at isang pagdalaw-muli ang maaari ring bilangin bawat linggong idaos ang pag-aaral.