Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang alinman sa aklat na Kaalaman o aklat na Salita ng Diyos sa ₱125.00. O ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay maaaring ialok kasama ng Bibliya sa ₱107.50. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos sa ₱25.00. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang Samahan ay nagpaplanong magsaayos ng pagsasalin para sa mga bingi sa “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na Pandistritong Kombensiyon sa Quezon City sa Disyembre 18-20, 1998. Kaya, ang mga bingi na nakaiintindi ng sign language ay dapat na dumalo sa kombensiyong ito, yamang walang gagawing pagsasalin para sa mga bingi sa ibang mga kombensiyon.
◼ Pakisuyong pansinin na sa pahina 6 ng Ating Ministeryo sa Kaharian na ito, ang mga petsa ng pandistritong mga kombensiyon sa Kalibo, Aklan at Cabanatuan City ay inilipat sa Enero 1-3, 1999, samantalang ang nasa Lucena City at Tandag, Surigao Sur ay inilipat sa Disyembre 25-27, 1998. Gayundin, ang kombensiyon sa Cagayan de Oro City ay idaraos na ngayon sa Disyembre 18-20, 1998 sa halip na sa Enero 1-3, 1999.
◼ Ang mga mamamahayag na nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa Disyembre ay dapat na magpasok ng kanilang aplikasyon nang maaga upang makagawa ng kinakailangang mga kaayusan ang matatanda para sa literatura at teritoryo.
◼ Ang mga pagkakataon upang maglakbay sa ibang bansa ay naging madali sa nakaraang mga taon. Bilang resulta nito, marami sa ating mga kapatid ang nagsaayos na bumisita sa ibang mga bansa. Kadalasan, nakikipag-ugnayan sila sa mga tanggapang pansangay ng Samahan upang humiling ng impormasyon. Nalulugod ang mga tanggapang pansangay na magbigay ng mga direksiyon ng Kingdom Hall at mga oras ng pulong upang makatulong sa pagkontak sa lokal na mga kongregasyon. Gayundin, maaari rin silang magbigay ng direksiyon hinggil sa pagdalaw sa tanggapang pansangay. Gayunman, ang mga ulat ay nagpapakita na maraming karagdagang pagtatanong ang ginagawa may kinalaman sa mga kaayusan ng paglalakbay, mga tuluyan, dakong mapupuntahan ng mga turista, at mga bagay na katulad nito. Ang mga tanggapang pansangay ay hindi nasasangkapan, ni may panahon, upang magbigay ng ganitong klaseng impormasyon. Ang mga panauhin ay hinihimok na kumonsulta sa mapagkukunan ng impormasyon tulad ng mga ahente sa paglalakbay, o kagawaran ng turismo na karaniwang nagbibigay ng impormasyon para sa mga turista.
◼ Makukuhang Bagong Compact Disc:
Watchtower Library 1997 sa CD-ROM—Ingles
◼ Makukuhang Bagong Audiocassette:
Keep Your Eye Simple (Drama, isang cassette)—Ingles