Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Disyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang alinman sa aklat na Kaalaman o aklat na Salita ng Diyos sa ₱125.00. O ang brosyur na Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao ay maaaring ialok kasama ng Bibliya sa ₱107.50. Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos sa ₱25.00. Ang maliit na edisyon ng aklat na Mabuhay Magpakailanman ay maaaring ialok sa ₱20.00 bilang kahalili. Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱25.00. Marso: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Dapat na i-audit ng punong tagapangasiwa o ng sinumang inatasan niya ang kuwenta ng kongregasyon sa Disyembre 1 o karaka-raka pagkatapos nito. Gumawa ng patalastas sa kongregasyon kapag ito’y naisagawa na.
◼ Mayroon kaming ilang kopya sa aming istak ng aklat na Buhay na Walang Hanggan—sa Kalayaan ng mga Anak ng Diyos sa Iloko, at gayundin ng aklat na Mga Bagay na Doo’y Hindi Maaaring Magsinungaling ang Diyos sa Hiligaynon. Bagaman ang mga ito ay luma nang mga publikasyon, baka nanaisin ng ilang indibiduwal o mga kongregasyon na magkaroon ng isang kopya upang makumpleto ang kanilang mga aklatan. Ang mga pidido para dito ay dapat paraanin sa kongregasyon at ito’y ipadadala namin hangga’t hindi pa nauubos ang limitado naming suplay. Ang kontribusyon ay ₱20.00 bawat isa.
◼ Mahalagang tiyaking isaayos ng mga mamamahayag na sila’y maagang makibahagi sa paglilingkod sa larangan sa Disyembre. Kung kayo ay dumadalo sa isang kombensiyon o nasa bakasyon, o kayo ay malayo sa inyong kongregasyon sa katapusan ng Disyembre, tiyaking maibigay ninyo ang inyong ulat sa kalihim bago kayo umalis. Kung ang lahat ay magiging maingat sa pag-uulat nang nasa panahon, magkakaroon tayo kung gayon ng kumpletong ulat para sa Disyembre.
◼ 1999 Taunang Teksto: Ang taunang teksto para sa 1999 ay hinalaw sa 2 Corinto 6:2: “Narito! Ngayon ang araw ng kaligtasan.” Dapat na isaayos ng lahat ng kongregasyon na ilagay ang bagong taunang teksto sa kanilang Kingdom Hall sa Enero 1, 1999.
◼ Iskedyul ng Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat: Mula sa linggo ng Pebrero 1-7 hanggang Marso 15-21, 1999, ang mga kongregasyon ay mag-aaral sa bagong brosyur na ilalabas sa “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na mga Pandistritong Kombensiyon. Tiyakin ng lahat ng mamamahayag na kumuha ng kanilang kopya ng brosyur na ito sa kombensiyon upang mayroon na sila nito sa Pebrero 1, kapag ito’y gagamitin na sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
Apply Yourself to Reading and Writing (Isang 64-pahinang brosyur na sinlaki ng magasin para doon sa nag-aaral bumasa at sumulat, na may mga ilustrasyon; Halaga para sa mamamahayag at payunir: ₱17.50.)—Ingles