Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/99 p. 3
  • Mga Patalastas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Patalastas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
Ating Ministeryo sa Kaharian—1999
km 2/99 p. 3

Mga Patalastas

◼ Alok na literatura sa Pebrero: Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya sa ₱25.00. Marso: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Abril at Mayo: Isang taóng suskrisyon sa Ang Bantayan sa ₱120.00. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).

◼ Pasimula sa linggo ng Marso 22, 1999, ang aklat na Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman ay pag-aaralan sa mga Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa Cebuano, Hiligaynon, Iloko, at Tagalog. Sa Bicol, Pangasinan, at Samar-Leyte, ang aklat na Kaalaman at ang aklat na Nagkakaisa sa Pagsamba ang siya namang pag-aaralan. Nasa labas na ito ng Ating Ministeryo sa Kaharian ang kumpletong iskedyul sa pag-aaral hanggang sa linggo ng Abril 10, 2000. Maaari ninyo itong i-xerox at iipit ito sa inyong personal na kopya ng aklat para madaling tingnan sa buong susunod na taon.

◼ Dapat na repasuhin ng kalihim at ng tagapangasiwa sa paglilingkod ang gawain sa paglilingkod ng lahat ng regular pioneer sa kongregasyon. Sa katapusan ng Pebrero, dapat ay naabot na nila ang mga kalahati ng kanilang kota para sa taóng ito ng paglilingkod. Kung mayroong dumaranas ng problema sa pag-abot sa kanilang kahilingang oras, dapat magsaayos ang matatanda na tulungan sila upang sila ay makahabol sa katapusan ng taon ng paglilingkod.

◼ Sa Linggo, Pebrero 14, 1999, magkakaroon ng pulong kasama ang lahat ng nagpaplanong mag-auxiliary pioneer sa mga buwan ng Marso, Abril, at Mayo sa taóng ito. Ang lahat ay inaanyayahang dumalo. Yamang ang kahilingan ay ibinaba na ngayon tungo sa 50 oras, walang alinlangan na mas marami ang makikibahagi sa taóng ito. Ang Tagapangasiwa sa Paglilingkod ang mangangasiwa sa pulong na ito at titiyak na nakahanda ang sapat na Applications for Auxiliary Pioneer Service.

◼ Kung hindi pa ito nagagawa, nais naming ipaalaala sa mga kongregasyon na tiyaking ipadala ang inyong pidido para sa karagdagang mga magasin na gagamitin sa Abril at Mayo, na isinasaalang-alang ang bilang ng mag-o-auxiliary pioneer sa mga buwang iyon.

◼ Mula noong Enero 1, 1999, ang presyo ng Bibliya na edisyong Philippine Bible Society sa lahat ng lokal na wika ay tumaas sa halagang ₱200.00 bawat isa.

◼ Bagong Makukuhang mga Publikasyon:

Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay? (32-pahinang brosyur)—Bicol, Cebuano, Tsino, Ingles, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog

Is There a Creator Who Cares About You? (192-pahinang aklat; Mamamahayag at Publiko: ₱20.00; Payunir: ₱15.00)—Ingles lamang

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share