Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Agosto: Alinman sa mga brosyur sa ₱7.50. Setyembre: Ang aklat na Kaalaman sa ₱25.00. Ang aklat na Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, maliit na edisyon sa ₱40.00, malaking edisyon sa ₱75.00, ay maaaring ialok bilang kahalili kapag ang mga tao ay mayroon nang aklat na Kaalaman. Oktubre: Isang taóng suskrisyon ng alinman sa Gumising! o Ang Bantayan sa ₱120.00. Nobyembre: Ang aklat na Kaalaman o ang brosyur na Hinihiling ay maaaring ialok. Kung ang mga tao ay mayroon na ng mga ito, maaaring gamitin ang alinman sa aklat na Mabuhay Magpakailanman o Creation bilang kahaliling alok. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga literatura para sa kampanya na binanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Bawat kongregasyon ay tatanggap ng dalawang Literature Inventory form (S-18) kasama ng kanilang statement ng kuwenta para sa Hunyo. Pakisuyong gumawa ng aktuwal na pagbilang ng lahat ng literatura sa istak sa Agosto 31, 1999 at punan nang kumpleto ang mga porma, na ibinabalik ang orihinal sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ingatan ang duplikado sa inyong salansan.
◼ Titipunin ng kalihim ng kongregasyon ang mga ulat sa paglilingkod para ipasok sa Congregation Analysis Report form (S-10). Maingat din niyang bibigyan ng tagubilin ang sinumang matanda o ministeryal na lingkod na maaaring tumutulong sa kaniya sa pagtitipon ng ulat. Sa pamamagitan nito’y matitiyak ang isang tumpak na tabulasyon ng impormasyong kakailanganin mula sa mga Publisher Record card (S-21). Ang Congregation Analysis Report ay dapat na punan nang tumpak at masinop at dapat na maingat na suriin ng komite sa paglilingkod.
◼ Ang mga pidido para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw—2000 at ang 2000 Calendar ay dapat na ipadala na ngayon sa Samahan. Kami ay nagpapadala ng isang blangkong special order sa bawat kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hunyo para sa dalawang ito. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan nang hindi lalampas sa Setyembre 6. Ang kontribusyon para sa Pagsusuri sa Kasulatan Araw-Araw ay ₱12.50. Isang libreng kopya ang maaaring ibigay sa bawat special at regular pioneer na nasa listahan mula Hulyo 1, 1999, at hihingi ang kongregasyon ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag sila’y nagpadala ng bayad matapos matanggap ang mga buklet. Anumang karagdagang kopya na nais kunin ng mga payunir ay babayaran ng buong halaga na ₱12.50. Wala itong bukod na halaga para sa payunir. Ang kalendaryo ay ₱30.00 at wala itong bukod na halaga para sa payunir, ni magbibigay man ng libreng kopya sa mga payunir.
◼ May panahon pa para doon sa mga nagpaplanong magsimula ng paglilingkod bilang regular pioneer sa Setyembre 1, 1999 upang isumite ang kanilang mga aplikasyon. Kapag ang mga ito ay naaprobahan ng komite sa paglilingkod, kailangang ipadala kaagad ang mga ito sa Samahan upang ang pagsang-ayon ay matanggap bago ang Setyembre 1.
◼ Makukuhang Bagong Publikasyon:
1998 Watch Tower Publications Index (Mamamahayag at Payunir: ₱12.50)—Ingles