Mga Patalastas
◼ Alok na literatura sa Enero: Nagkakaisa sa Pagsamba ng Tanging Tunay na Diyos o alinman sa ibang matatandang aklat na may 192 pahina. Kung wala nito, ang aklat na Kaalaman ay maaaring ialok. Pebrero: Aklat na Kaligayahan sa Pamilya. Marso: Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang Hanggan. Abril at Mayo: Indibiduwal na mga kopya ng Ang Bantayan at Gumising! Paglaanan ng brosyur na Hinihiling ang mga taong interesado, at pagsikapang mapasimulan ang mga pag-aaral sa Bibliya. PANSININ: Ang mga kongregasyon na hindi pa nakapipidido ng mga babasahin para sa kampanyang nabanggit sa itaas ay dapat na gumawa ng gayon sa kanilang susunod na buwanang Literature Order Form (S-AB-14).
◼ Ang mga kongregasyon ay dapat gumawa ng mga kaayusan upang ipagdiwang ang Memoryal sa taóng ito sa Miyerkules, Abril 19, 2000, pagkatapos lumubog ng araw. Bagaman ang pahayag ay maaaring magsimula nang mas maaga, ang pagpapasa ng mga emblema ng Memoryal ay hindi dapat magsimula kundi pagkatapos lumubog ang araw. Bagaman mas mabuting magdaos ang bawat kongregasyon ng kanilang sariling pagdiriwang ng Memoryal, maaaring ito’y hindi laging posible. Kapag may ilang kongregasyon na gumagamit ng iisang Kingdom Hall, marahil ang isa o higit pang kongregasyon ay kukuha ng ibang pasilidad upang gamitin sa gabing iyon.
◼ Ang pantanging pahayag pangmadla sa panahon ng Memoryal ng 2000 ay ibibigay sa Linggo, Abril 16. Ito ay pinamagatang “Kung Bakit Kailangan ng Sangkatauhan ang Isang Pantubos.” Isang balangkas ang ilalaan sa mga tagapagsalita sa takdang panahon. Yaong mga kongregasyong may dalaw ng tagapangasiwa ng sirkito, may pansirkitong asamblea, o pantanging araw ng asamblea sa dulong sanlinggong iyon ay magdaraos ng pantanging pahayag sa susunod na linggo. Walang kongregasyon ang magbibigay ng pantanging pahayag bago ang Abril 16, 2000.
◼ Yamang ang Abril at Mayo ay mga pantanging buwan ng magasin at marami ang makikibahagi sa pagiging auxiliary pioneer sa panahong iyon, dapat na isaalang-alang na ngayon ng tagapangasiwa sa paglilingkod at ng kapatid na nangangasiwa sa mga magasin ang pagpidido ng ekstrang magasin para magamit ng kongregasyon. Pakisuyong ipadala ang inyong mga pidido upang dumating ang mga ito sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Pebrero 1, 2000. Sa pamamagitan nito’y makatitiyak kayo na tatanggapin ninyo ang ekstrang mga magasin sa panahong iyon kagaya ng inyong regular na pidido.
◼ Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
Umawit ng mga Papuri kay Jehova—Bicol, Hiligaynon, Pangasinan
Tract T-24, Jesu-Kristo— Sino Siya?—Bicol, Cebuano, Hiligaynon, Iloko, Pangasinan, Samar-Leyte, Tagalog
The Guidance of God—Our Way to Paradise—Ingles (brosyur na pantanging dinisenyo para sa mga Muslim, gaya ng ipinaliwanag sa pahina 8 ng Nobyembre 1999 ng Ating Ministeryo sa Kaharian)